Isang pinagpalang pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo at sa di mabilang na tagasubaybay ng iyong popular column.
Ako po ay isang empleyado sa isang insurance company. Tawagin mo na lang akong Jennifer, 25-anyos. Mula noong high school ako, nagkaroon na ako ng 10 boyfriends pero hindi ako naging seryoso sa kanila. Agad ko ring bini-break.
Ngayon naman ay parang may nararamdaman akong kakaiba na sa palagay koy tunay na pag-ibig. Umiibig ako sa aking supervisor. Guwapo at maginoo siya at sa tingin koy hindi kami nagkakalayo ng edad.
Ang problema, sa kabila ng pagiging magiliw ko sa kanya ay parang hindi niya ako pansin. Wala akong pinag-iba sa ibang girls sa office kung itrato niya.
Tapos, nalaman ko na may asawa na pala siya at isang anak. Nalaman ko ito nang minsay isama niya sa opisina ang kanyang limang taong gulang na anak na lalaki.
Sa kabila nitoy hindi nabubura ang damdamin ko sa kanya. Lalo niya akong pinahanga sa kanyang pagiging maginoo at hindi mapagsamantala.
Ano ang gagawin ko para mawala ang damdamin kong ito?
Jennifer
Dear Jennifer,
Itanim mo lagi sa isip mo na pamilyado na siyang tao kaya gaano mo man siya kagusto, kahibangan na ibigin mo siya.
At kung magtagumpay ka man na mapaibig siya, isipin mo ang isang masayang pamilyang mawawasak mo. Magkakaroon ka ng pangit na reputasyong "home wrecker." Im sure hindi mo gugustuhin iyan.
Maghintay ka at darating din ang akmang lalaki para sa iyo.
Dr. Love