^

Dr. Love

Bad karma?

-
Dear Dr. Love,

Talaga pong napakaganda ng inyong kolum na kinapupulutan ng gintong aral ng mga mambabasa lalo na yaung may mga dinadalang problema sa pag-ibig.

Una sa lahat ay binabati ko kayo at inyong mga tagasubaybay ng isang pinagpalang araw. Tawagin n’yo na lang akong Herminia, isang mananahi na taga-Cainta.

Sa ngayo’y 41-anyos na ako at isang single parent. Mag-isa kong itinataguyod ang aking anak na sa kasamaang palad ay hindi normal. Isa siyang autistic. Napakahirap ng kalagayan ko dahil iniiwan ko lang ang aking anak sa isang kapitbahay na matalik kong kaibigan.

Hindi po nag-aaral ang anak ko kahit siya’y 10-anyos na dahil wala naman akong pera para i-enrol siya sa isang espesyal na paaralan na ang espesyalidad ay mga batang katulad niya.

Kung minsan, naiisip ko na baka ito ang aking masamang karma dahil pumatol ako sa isang may-asawa. Nang maanakan ako’y hindi na ako inintindi ng lalaking ito at ayaw kilalanin ang aming anak.

May nanliligaw sa akin ngayon. Isa siyang biyudo at negosyante. Alam niya ang tungkol sa aking anak at handa daw niya akong pakasalan para makatuwang sa pag-aaruga sa anak ko.

Unti-unti nang nade-develop ang damdamin ko sa lalaking ito. Tama ba kung magpapakasal ako sa kanya?

Herminia


Dear Herminia,


Kung binata siya at mahal mo siya, bakit hindi mo tanggapin ang alok niya? Walang masama diyan.

Pero pakatiyakin mo muna ang background ng manliligaw mo para hindi ka magsisi sa dakong huli.

Marahil, siya na nga ang kaloob ng Diyos sa iyo para may makatuwang ka sa pag-aaruga sa isang special child gaya ng iyong anak.

Dr. Love

ALAM

ANAK

CAINTA

DEAR HERMINIA

DIYOS

DR. LOVE

HERMINIA

ISA

ISANG

MARAHIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with