^

Dr. Love

Pinalayas ang mga demonyo sa bahay

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Isang mag-asawang maykaya sa lungsod ng Cainta ang ginugulo ng mga demonyo sa loob ng kanilang bagong gawang bahay. Ang ginagawa ng mga demonyo, sila’y nagpapakita sa mag-asawa, sa kanilang mga anak at sa mga katulong.

Madalas na nagpapakita sa kanila ang isang babae na nakasuot ng puting damit. Tumatayo ang kanilang balahibo at dahil sa takot, silang lahat ay natutulog na lamang sa master’s bedroom.

Isang araw, nang makita ng asawang lalake ang kanyang asawang babae, pakiwari niya ay sinaniban ito ng demonyo dahil ang mukha nito ay nag-iba. Kulang na lamang ay tumayo ang kanyang buhok na tulad ng sa babaeng sinaniban ng demonyo sa pelikulang "Exorcist."

Hindi napigilan ang kanyang sarili, umiyak siya at niyakap ang kanyang asawa.

Dahil sa pangyayaring ito, siya ay tumawag sa kanyang kaibigan at kapwa negosyante na isang born again upang humingi ng payo kung ano ang kanyang gagawin.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang kaibigan niya. May mga nagpuntang pastor sa bahay nila.

Nakita agad ng mga kasamahan nila na ang bahay ay pinamumugaran ng mga masasamang espiritu o demonyo. Ang dahilan ay ang mga dekorasyon na jar na may nakaukit na dragon, ang mga pintuan at bintana na nilawayan ng albularyo at nilagyan ng mga bagay-bagay na ang kapangyarihan ay galing sa kadiliman at mga malalaking imahen.

Kaagad-agad, pinahingi ng mga pastor ang mag-asawa ng kapatawaran dahil hindi nila alam na ang mga bagay na ito ay nagdadala ng mga masasamang espiritu.

Pagkatapos humingi ng kapatawaran, ni-renounce ng mga ito na tinanggap na nila ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sarili nilang Tagapagligtas, Panginoon at Diyos at tinalikuran ang kanilang mga kasalanan at kapatawaran.

Pagkatapos, binasag nila at sinunog ang mga bagay-bagay na pinamumugaran ng mga demonyo at pinalayas ang mga ito ng mga pastor sa Pangalan ni Jesu-Cristo at huwag na silang bumalik pa sa bahay na ito.

Nang gabing yaon, ang mag-asawa, mga anak at mga katulong ay mahimbing nang nakatulog. Wala na kahit isang anino ng mga demonyo ang nagpapakita sa kanila sa loob ng bahay. Makapangyarihan talaga ang Panginoong Jesu-Cristo na kahit ang mga demonyo o si Satanas ay luluhod sa Kanyang paanan.

Kuya Gil ng Cainta
* * *
Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

CAINTA

DAHIL

DEMONYO

ISANG

KANYANG

KUYA GIL

PAGKATAPOS

PANGINOONG JESU-CRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with