^

Dr. Love

3 anak, 3 ama

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Iza, 27-anyos, may tatlong anak na iba-iba ang ama.

Dati’y may asawa ako. Siya ang ama ng aking unang anak na ngayo’y limang taong gulang na. Iniwan ako ng asawa ko dahil duda siyang hindi sa kanya ang una naming anak. Masyado siyang seloso.

Mahilig kasi ako sa gimik at madalas ay umuuwi ako ng madaling araw na. Nang iwanan ako ng aking asawa, nakakilala ako ng isang lalaking may asawa. Nagkarelasyon kami at naanakan niya ako.

Galit na galit sa akin ang aking mga magulang at ako’y itinakwil. Pati ang nakarelasyon ko ay iniwanan na rin ako at ayaw nang sustentuhan ang anak namin.

Nagkaroon ako ng bagong boyfriend. Wala siyang trabaho at umaasa lang sa kanyang mga magulang. Muli, nabuntis ako. Lalong nagalit sa akin ang aking mga magulang at ni hindi ako dinalaw nang manganak ako.

Pati ang tatay ko ay hindi man lang tumulong sa gastusin ko sa ospital. Nagalit ako sa kanila. Parang hindi nila ako anak. Iniuwi ako ng aking bagong karelasyon sa kanyang mga magulang pero nararamdaman kong hindi sila boto sa akin.

Bakit ganoon silang lahat? Ano ang gagawin ko?

Iza


Dear Iza,


Ano’ng dapat mong gawin? Magbago ka na sa baluktot mong ugali. Kahit ako ang mga magulang mo’y hindi kita tutulungan kahit katiting dahil kahihiyan ang idinulot mo sa pangalan ng iyong mga magulang. Isa pa, ang pagtulong sa iyo’y pagkunsinti sa maling ginagawa mo.

Sumama ka sa lalaking walang trabaho, magtiis ka. Tungkulin niyang buhayin ka at ang iyong anak. Marahil niloob ng Diyos ang sitwasyon mo ngayon para matauhan ka at ituwid ang iyong baluktot na ugali.

Kapag hiniwalayan ka ng kinakasama mo ngayon, sino na naman kayang lalaki ang bubuntis sa iyo? Matuto ka na sa mga nakaraan mong karanasan. Matuto ka ring magtrabaho at huwag umasa sa iyong mga magulang dahil matanda ka na.

Dr. Love

AKO

ANAK

ANO

DEAR IZA

DR. LOVE

IZA

MAGULANG

MATUTO

PATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with