^

Dr. Love

Hiwalay, ibig makalaya

-
Dear Dr. Love,

Kinse-anyos pa lang ako’y paborito ko nang basahin ang iyong kolum sa PSN. Ngayo’y 27-anyos na ako at patuloy ko pa rin itong tinatangkilik dahil kinapupulutan ko ng gintong aral.

Tawagin mo na lang akong Lizel ng Valenzuela City, isang hiwalay sa asawa. Tatlong taon na ang nakararaan nang iwanan ako ng mister ko at sumama sa ibang babae. Balita ko’y kinakasama niya ngayon ang babae at sila ay nasa Cebu.

Wala kaming anak. Sa ngayo’y kapisan ko ang aking mga magulang at kapatid at para akong dalaga. Maraming manliligaw pero hindi pwedeng makipagrelasyon dahil legally, may asawa ako.

Muling tumibok ang puso ko nang makilala ko si Ariel, isang tricycle driver, binata at mabait. Mas bata siya sa akin ng limang taon.

Sinagot ko si Ariel pero hindi ako mapa-oo sa gusto niyang magsama kami. Alam kong labag ito sa batas ng tao at ng Diyos.

Ano ang dapat kong gawin? Gusto kong lumaya para naman matikman kong muli ang tamis ng pag-ibig. Ano ang dapat kong gawin?

Lizel


Dear Lizel,


Tama ang desisyon mong huwag makipag-live in. Makakasuhan ka ng adultery ng asawa mo bagamat puwede mo rin siyang kasuhan kung tutuusin. Ilagay mo sa ayos ang iyong sarili bago ka makipagrelasyon.

Komunsulta ka sa abogado para ma-annul ang iyong unang kasal. Sa tingin ko’y mayroon kang sapat na dahilan para maaprobahan ang annulment.

Kaya lang, bago ka sumubo muli sa pag-aasawa, pagkasuriin mo ang lalaking kasintahan mo ngayon. Siya ba’y responsable at nakasisiguro ka bang liligaya sa piling niya?

Dr. Love

ALAM

ANO

CEBU

DEAR LIZEL

DIYOS

DR. LOVE

ILAGAY

KAYA

LIZEL

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with