^

Dr. Love

Pumatol sa menor de edad

-
Dear Dr. Love,

Sana’y abutan ka ng aking sulat, sampu ng iyong mga readers, na nasa mabuting kalusugan. Malaon na akong nagbabasa ng PSN lalo na ang Dr. Love at hindi ko inaasahang isa ako sa mga hihingi ng payo sa iyo.

Nakagawa ako ng isang problemang napakabigat at pinagsisisihan ko ngayon. Tawagin mo na lang akong Ruben, 45-anyos at may asawa. Nagkaroon ako ng girlfriend na 15-anyos. First time na nangyari ito sa aking buhay. All the while, faithful ako sa aking asawa.

Pero sa kaaaya ng aking mga kasamahan sa trabaho sa isang outing, hindi ako nakatanggi. Sa isang resort sa Cavite ay nakilala ko ang teenager na ito. Anak siya ng katiwala sa resort. Maganda siya at tipong artista.

Hindi ko akalain na sa aking mga biro ay kumagat siya. Nagkaroon kami ng relasyon na nauwi sa pagsisiping. Nangyari minsan, makalawa at makatlong ulit. Nalulong ako sa babaeng ito hanggang sa siya’y magdalantao.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang magtapat siya sa akin. Isang buwan na ngayon ang kanyang dinadala at hindi ko alam ang aking gagawin. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Ruben


Dear Ruben,


Kung totoo ang deklarasyon niyang siya’y 15-anyos lang, menor de edad ang iyong pinatos at dapat mong malaman ang mabigat na consequence ng iyong ginawa.

Sa edad na kinse anyos, puwede kang idemanda ng kanyang mga magulang. Statutory rape. Wala kang magagawa kundi harapin ang problema. Kung may lakas ka ng loob, sabihin mo sa mga magulang niya na handa mong panagutan ang sanggol at bigyan ng sustento. Hindi mo siya puwedeng pakasalan dahil may asawa ka. At kahit binata ka, hindi pinapayagan ang isang menor de edad na mag-asawa kahit pa may basbas ng mga magulang.

Kung tatakasan mo ang problema, malamang ay ipatugis ka ng kanyang mga magulang at lalo ka lang mapapasama. Ginawa mo ang problemang iyan kaya panindigan mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

AKO

ANAK

CAVITE

DEAR RUBEN

DR. LOVE

NAGKAROON

RUBEN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with