Ayon pa sa doktor, nauuna ang paa ng sanggol sa halip na ulo kaya ipinayo niya sa akin na dapat akong maoperahan ka agad para maagapan at mailigtas ang sanggol sa tiyak na kapahamakan.
Nang marinig ko ito, akoy luhaang umuwi sa amin kasama ang nakakabata kong kapatid na babae. Puspusan at mataimtim kong ipinanalangin sa Panginoong Jesu-Cristo na damihan Niya ang tubig sa panubigan ko at mauna ang ulo hindi ang mga paa ng sanggol sa sinapupunan ko. Ipinanalangin din ako ng aking kapatid para sa kaligtasan ko at ng sanggol.
Bumalik kami sa ospital para sa follow-up check-up dahil kapanganakan ko na. Sabi ng doktor sa akin, na itoy himala at tama na ang tubig sa panubigan ko at nauuna na ang ulo ng bata.
Nang marinig ko ang sinabi ng doktor, laking tuwa ko at pasasalamat sa Panginoong Jesu-Cristo na gumawa ng himala para mailigtas ako at ang anak ko. Sa linggong ito, kapanganakan ko na at hindi na ako maooperahan kundi normal delivery na. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesus dahil sa Kanyang katapatan at kabutihan hindi lamang sa akin kundi pati na sinumang lumalapit at humihingi ng tulong sa Kanya.
Ate Maribel Bautista ng Pasig