^

Dr. Love

Umiibig sa bayaw

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you. Umaasa akong maitatampok mo sa iyong malaganap na kolum ang aking sulat. Tawagin mo na lang akong Glenda, 20-anyos at isang estudyante.

Hindi ko sukat akalaing susulat din ako sa iyo para humingi ng payo. Akala ko, lagi na lang akong magiging isa sa mga milyun-milyon mong readers. Pero nagkaroon ako ng problema sa puso.

I’ll be direct to the point. Umiibig ako sa aking bayaw. Habang ako’y nag-aaral sa kolehiyo, nakatira ako sa bahay ng ate kong may asawa. Nakita ko ang kabaitan ng aking bayaw sa pamilya. Mayroon na silang isang anak na tatlong taong gulang.

Noon pa mang una ay may crush na ako sa bayaw ko. Pero tingin ko’y naging true love ang nadarama ko sa kanya habang nakikilala ko ang kanyang buong pagkatao.

Alam kong mali ang nararamdaman ko. Pero anong magagawa ko? Pilit ko mang itakwil ang feelings na ito ay hindi ko magawa. Kapag nagkikita kami ni bayaw sa bahay, natutulala ako.

Kung minsan, nakakahalata yata siya sa aking reaksyon. Ano ang nararapat kong gawin? Pakiramdam ko kasi, kung siya ang magparamdam na may kursunada sa akin ay baka hindi ko matanggihan. Magiging taksil ako sa sarili kong kapatid.

Please help me.

Glenda


Dear Glenda,


The best thing to do is leave that house at mangupahan ka na lang sa dorm. Masama ang pumatol sa may asawa at lalong masama kung ang ginugusto mo’y asawa ng sarili mong kapatid.

Tama ka. Ang damdamin ay damdamin na mahirap iwaksi. Bago mauwi sa seryosong problema iyan, makabubuting bumukod ka. Ibaling mo ang iyong paningin sa mga manliligaw mo kung mayroon. Lagi mong isipin na hindi ka dapat magtaksil sa sarili mong kapatid. Ikaw na rin ang nagsabi na mabait na padre de pamilya ang bayaw mo. Huwag mong bayaang masira ang pamilya ng iyong ate nang dahil sa iyo.

Kung very close ka sa ate mo, mag-usap kayo nang sarilinan at sabihin ang nadarama mo na siyang dahilan kung bakit gusto mong bumukod. Naniniwala akong mauunawaan ka niya. Kung minsan, ang pagtatapat ay posibleng bumura sa maling damdamin.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

ANO

DEAR GLENDA

DR. LOVE

GLENDA

HABANG

HUWAG

KUNG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with