^

Dr. Love

Binigyan kami ng bahay ng Panginoong Jesus!

- Ni Danny Junco -
Simula nang ako’y makapag-asawa noong 1983, anim na beses na kaming nagpalipat-lipat ng tirahan.

Ang pinakahuli naming lipat ay sa isang subdivision sa Taytay, Rizal.

Bago ako nakapag-asawa, nakilala ko na ang Panginoong Jesu-Cristo bilang aking sariling Tagapagligtas, Diyos at Panginoon habang ang aking asawa ay tinanggap ang Panginoong Jesu-Cristo noong 1995.

De-numero ang kilos ng aking pamilya dahil nga hindi namin sariling bahay ang tinitirhan namin at may kasama kaming ibang pamilya sa bahay.

Kahit konkreto at may kalakihan din ang bahay, hindi pa ito tapos. Sa ibaba na nalipatan namin ay isa lamang ang kuwarto at may maliit na sala.

Kapag natulog kami ay para kaming mga sardinas dahil tatlo ang aming anak at kapag umuulan ay binabaha ang aming kinakainan. Ang kalagayan na ito ang nag-udyok sa akin na manalangin nang mataimtim sa Panginoong Jesu-Cristo na pagkalooban kami ng sariling bahay na magkakasya kami bilang isang pamilya.

May ilang linggo na akong nananalangin sa Panginoong Jesus at parang inudyukan Niya ako na sulatan ang aking kapatid na naninirahan sa Amerika at hingian ko ng tulong para makabili kami ng bahay. Positibo naman ang kanyang sagot subalit hindi ako umaksyon dahil gusto ko na siya mismo ang makakita sa bahay na bibilhin niya para sa amin.

Ilang buwan ang lumipas, umuwi ang aking kapatid.

Siya’y aking pinuntahan sa bahay ng kanyang kaibigang ahente kung saan siya tumira. Nang magkita kami, ang bungad niya sa akin ay hindi na siya tutuloy na bumili ng bahay dahil wala siyang dalang pera. Hindi naman ako nanghina dahil may pangako ang Diyos na bibigyan Niya ako ng bahay. Hinayaan ko lamang siyang magsalita hanggang sa dumating ang punto na inalok ko siyang sumama sa akin upang makita niya ang aming sitwasyon.

Noong una ay ayaw niya pero bandang huli ay umoo rin siya.

Nang makarating sa tinitirhan namin, parang hiniwa ang kanyang puso nang makita ang aming sitwasyon. Sabi niya sa aking kaibigan na pastor na umiyak siya sa Panginoon ng gabing yaon at sinabi niya na sa Amerika ay maganda ang bahay na tinirhan niya pero ang kanyang kapatid dito sa Pilipinas ay maliit ang bahay na hindi pa sa kanila.

Kaya kinaumagahan ay naghanap na kami ng bahay. Pero ang bahay na ibinebenta ng kaibigan niyang ahente sa Cainta ang siyang napili ng kapatid ko. Dahil wala siyang pera, humiram muna siya sa kanyang kaibigan at ibinigay ang downpayment at ang kakulangan ay ipadadala na lamang sa bangko. Iyon nga ang kanyang ginawa at nagbigay siya ng cash sa may-ari ng townhouse na ito.

Sa kasalukuyan ay nakatira kami sa bahay na ibinigay ng Diyos sa aking pamilya. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo dahil binigyan Niya kami ng bahay upang mayroon kaming matirhan. Salamat din sa aking mabait na kapatid sa kanyang pagtulong sa amin.

Kuya Danny


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

AKING

AMERIKA

BAHAY

CAINTA

DAHIL

DIYOS

KAMI

NIYA

PANGINOONG JESU-CRISTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with