Isang mainit na pagbati ang ipinaaabot ko sa iyo at sa mga staff ng PSN, ang diyaryong laging binabasa ng aking pamilya.
Itago mo na lang ako sa pangalang Rino, 45 years-old, may asawa at limang anak.
Datiy maganda ang relasyon naming mag-asawa. Katunayan, marami ang inggit na inggit sa amin dahil kapwa kami tapat sa isat isa at laging very sweet. Pati mga anak namiy napalaki namin nang matuwid, lihis sa masamang bisyo at barkada at pulos matatalino.
Pero nitong mga nakalipas na ilang taon, parang nakadarama ako ng panlalamig sa aking asawa. Damdam koy gayun din siya sa akin dahil hindi na siya sing-init sa aming pagtatabi.
Nagsimula na rin akong maging masungit sa kanya. Kahit hindi ko siya sinasaktan nang pisikal ay madalas siyang mapaiyak sa aking masasakit na salita.
Sa opisinang aking pinapasukan, mayroong bagong pasok na sekretarya na nagpatibok ng puso ko. Pinipigilan ko ang aking sarili pero hindi ko mapigilang magpalipad-hangin sa kanya. Nakikipagbiruan naman siya sa akin.
Natatakot akong humantong ito sa isang relasyon. Pag nagkataon, ngayon lang ito mangyayari sa akin. May panlalamig man ako sa aking asawa, mahal ko ang aking pamilya at ayaw kong mawasak. Ano ang gagawin ko?
Rino
Dear Rino,
Halos lahat ng tao, lalaki man o babae ay nakararanas ng tinatawag na mid-life crisis. But you have to overcome it. Sayang naman ang ipinuhunan mo upang maging isang huwaran ang iyong pamilya. Kalimutan mo ang babaeng nagugustuhan mo. Tukso iyan na dapat paglabanan. Pray and God will give you the strength to overcome the test. Isipin mo na kung magiging taksil ka, mawawasak ang iyong pamilya. Nanlalamig kayong mag-asawa sa isat isa?
Baka naman subsob kayong mag-asawa sa trabaho. Ikaw, sa opisina, siya sa gawaing bahay. Magbakasyon kayo and try to relax. Importante na magkasarilinan kayo sa isang relaxed atmosphere.
Sa pamamagitan niyan, maaaring manumbalik ang tamis ng inyong pagsasama.
Dr. Love