^

Dr. Love

Nakulong dahil sa pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

Una po sa lahat, binabati ko kayo ng isang magandang araw at sana ay datnan kayo ng liham kong ito na nasa mahusay na kalagayan.

Isa po ako sa milyun-milyong tagasubaybay at tagahanga ng inyong pitak na Dr. Love at kaya po ako nagkalakas ng loob na lumiham sa inyo ay para maibahagi ko ang masaklap kong karanasan sa pag-ibig at kung paano ako napadpad sa madilim na piitan.

Noong bata pa ako mayroon akong isang matalik na kaibigan. Tawagin natin siyang Belinda. Lagi po kaming magkasama. Kahit na saan siya magpunta, kasama niya ako at gayundin naman siya sa aking mga lakad.

Kaklase ko siya sa paaralang pinapasukan at ako rin ang kanyang tagapagtanggol sa oras ng kagipitan.

Dumating ang panahong nahulog ang loob namin sa isa’t isa.

Nang nasa kolehiyo na kami, saka ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat sa kanya ang lihim kong damdamin para sa kanya. Sinagot naman niya ako.

Noong kaarawan ko, magkasama kaming nagsimba at namasyal kami sa Luneta. Doon ay hinarang kami ng limang kalalakihan na sa tingin ko ay lango sa ipinagbabawal na gamot. Bigla akong sinuntok ng dalawa sa kanila at ang tatlo naman ay siyang humawak sa aking nobya.

Habang binubugbog nila ako, walang tigil ang agos ng dugo sa aking ilong at kilay. Hanggang sa magdilim ang paningin ko. Nakahagip ako ng kahoy na dos por dos. Tumiyempo ako at ‘yong hagip ko sa kahoy, walang awa kong pinagpapalo ang dalawa.

Walang buhay na ang dalawa nang lubayan ko ang pagtatanggol sa sarili. Nang makita ng tatlong kasama ang insidente, nagtakbuhan na sila.

Hinang-hina ang katawan ko at bumagsak ako at nawalan ng malay. Nang magising ako, nasa loob na ako ng presinto at ako’y nademanda.

Ang dalawa palang sinamang palad na mapatay ko ay anak ng may sinasabing angkan. Iyon ang dahilan para ang depensa kong pagtatanggol sa sarili ay nawalan ng kabuluhan.

Heto ako ngayon, isang bilanggo, pero ang higit na masakit, ang nobya ko ay hindi man lang dumalaw ni minsan sa akin.

Ito ang nagbigay sa akin ng sobrang kalungkutan. Narito po ako ngayon sa Iwahig Penal and Prison Farm sa Palawan at hindi ko alam kung kailan ako lalaya.

Sana, sa pamamagitan ng pitak ninyo, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat. Maging ang isang kasama ko dito sa loob, si Arjon Rosero, 29 years-old ay nagnanais ding magkaroon ng mga kaibigan sa panulat.

Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham na ito at nawa’y patnubayan kayo lagi ng Poong Maykapal.

Lubos na gumagalang,
Ronald Narciso
MSC Inagawan Sub Colony,
Palawan Penal & Prison Farm,
PPC, Palawan 5301

P.S. Ang address po ng aking kaibigan ay tulad ng sa akin.


Dear Ronald,


Hustisya ang umiral at pinatawan ka ng parusa dahil sa dalawang buhay na nasawi dahil hindi ka nakapigil sa sarili.

Ang nobya mo naman na ipinagtanggol mo ay hindi na nagpakita sa iyo sa takot marahil na madawit sa krimen.

Ang leksiyon dito ay pigilan ang sarili sa anumang silakbo ng poot. Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas.

Alam ko, madali itong sabihin pero hindi madaling gawin, lalo na’t naaapi.

Pero dahil nasubukan mo nang hindi dapat na panaigin ang poot, sana ang aral na natutuhan mo sa karanasan mo ay magsilbing gabay mo sa pagtahak sa buhay sa loob man o labas ng kulungan.

Pagbutihin mo ang pagbabagong-buhay at sikaping tanggapin ang mapait na katotohanan na tinalikdan ka na ng nobya mo para sa preserbasyon ng sarili.

Huwag kang makakalimot na tumawag sa Itaas at hindi ka Niya pababayaan.

Dr. Love

AKO

ARJON ROSERO

DEAR RONALD

DR. LOVE

HUWAG

INAGAWAN SUB COLONY

IWAHIG PENAL AND PRISON FARM

NANG

NOONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with