Dapat ba akong umasa pa?
January 26, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong magandang-araw sa inyong lahat diyan sa malaganap ninyong pasulatan.
Lumiham po ako upang humingi ng payo. Tawagin na lang po ninyo akong Domingo, 30-anyos at kasalukuyang nakabilanggo dito sa Iwahig.
Nais ko pong isangguni sa inyo kung dapat pa ba akong patuloy na umasa sa isang pangako ng isang babaeng minsan ay naging bahagi ng aking buhay.
Nang lumayo siya sa akin, ni hindi siya nagpaalam. Para ako noong nawalan ng isang bahagi ng aking katawan. Matagal akong naghintay na baka isang araw ay matutuhan niyang bumalik. Pero pinaglaruan naman kami ng tadhana. Bago pa man siya bumalik, nasangkot ako sa gulo. Napasama pa ako sa holdapan, isang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa kulungan.
Sa piitan, madalas siyang dumalaw sa akin. Marami nang nangyari sa amin at nagpaplano pa kaming magsama kung makakalaya ako. Hanggang sa magdalang-tao siya sa aming panganay.
Pero biglang nalipat ako sa Iwahig. Madalas siyang sumulat at nitong huli ay ipinagtapat niyang may kinakasama na siyang iba.
Pero lagi niyang sinasabi sa akin na ako pa rin daw ang mahal niya.
Dapat pa ba akong umasa sa mga sinasabi niya? Naguguluhan na ako. Sana po, matulungan ninyo ako sa problema ko.
Sana rin po, sa pamamagitan ng pitak ninyo, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat.
Maraming salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham ko.
Gumagalang,
Domingo Casantosan
c/o PTR Jonathan Anteza
MBP Ministries, PSM,
P.O. Box 213,
PPC 5300
Dear Domingo,
Matagal siya bago bumalik sa unang paglayo niya. Nang dumating naman siya, nakulong ka na. Sa kabila ng pagkakakulong mo, dumadalaw siya hanggang nagkaroon kayo ng anak.
Maaaring nawalan na siya ng pag-asang makalaya ka kaagad para magsama kayo bilang mag-asawa.
Nakatagpo siya ng ibang kinakasama pero ikaw pa rin daw ang mahal niya? Katuwang sa buhay ang kailangan niya at hindi mo ito magampanan dahil nakakulong ka. Paano kung lumaya ka na at mayroon pa siyang kinakasama?
Ididispatsa na lang ba niya ito pabor sa iyo? Eh, paano kung nagkaroon na rin siya ng anak sa bago niyang mahal?
Kung talagang mahal ka niya, kaya niyang magtiyaga. Kaya niyang magtiis at hintayin ang iyong paglaya.
Kalimutan mo na lang siya. Nakikita ang katapatan ng isang katuwang sa buhay sa pagiging matapat niya sa iyo, kahit pa malayo ka sa kanya.
Marupok ang pag-ibig ng isang babaeng humahanap na ng kapalit kung malayo ka at hindi nakikita.
Sa paglaya mo, hanapin mo na lang ang anak mo sa kanya, magpakilala ka bilang ama niya at bigyan mo siya ng kailangang sustento kung may kakayahan ka na.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended