Kahilingan sa Bagong Taon
December 31, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Happy Holidays!
Sa pamamagitan po ng liham na ito ay magalang naming ipinaaabot sa inyong butihing pasulatan ang aming mahalagang kahilingan.
Kami pong mga nakalagda sa liham na ito ay nagbabakasakali na makatagpo ng mga tapat at tunay na kaibigan na tatanggap sa amin sa aming kalagayan bilang bilanggo.
Siguro naman po ay hindi lingid sa inyong kaalaman na kaligayahan na naming mga bilanggo na magkaroon ng mga kasulatan, hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa pamamagitan po ng tapat na mga kaibigan sa panulat, nagkakaroon kami ng inspirasyon sa buhay, panibagong pag-asa at makulay na pananaw sa buhay.
Hanggang dito na lang po at dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay sa pamamagitan ng patnubay ng Panginoon.
Hangad din namin ang patuloy na kalusugan ng mga miyembro ng inyong pamilya at mga kasamahan sa pasulatan.
Marami pong salamat,
Bimbo Nalsario
Cell-218 Bldg. II,
MSC, Camp Sampaguita, Muntinlupa City
Belly Garcia, 35 yrs. old
Cell-218 Bldg. II,
MSC, Camp Sampaguita, Muntinlupa City
Frank D. Asusan, 35 yrs. old
Cell-218 Bldg. II,
MSC, Camp Sampaguita, Muntinlupa City
Lito Padilla
c/o Supply Unit,
MSC, Camp Sampaguita, Muntinlupa City
Rey Tamboon, 35 yrs. old
SPU/ICA Headquarters,
MSC, Camp Sampaguita, Muntinlupa City
Dear Bimbo, et. al.,
Salamat sa liham ninyo at sa pamamagitan ng pitak na ito, inaasahan kong may magkakaroon ng interes na lumiham sa inyo.
Sa panahong ito ng Pasko, sana rin matagpuan ninyo ang kapayapaan ng kaloobang hanap ninyo at mga tapat na kaibigang susulat at magbibigay sa inyo ng panibagong pag-asa.
Pagbutihin ninyo ang pagbabagong-buhay at sana sa paglaya ninyo, lahat ng natutuhan ninyong kabutihan at kahandaang sumalunga sa takbo ng buhay ay maipatupad ninyo para sa hinaharap.
Happy New Year to all of you!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended