Tomboy umibig sa bading
October 6, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Siguro sasabihin mong kakaiba ang aking kasaysayan. Tawagin mo na lang akong Niki. Babae ako pero may pusong lalaki. Mula nang akoy magkaisip, ni minsan ay hindi ako umibig sa lalaki.
Kinse anyos pa lang ako nang una akong magka-girlfriend at magmula noon, puro kapwa ko babae ang aking nagiging karelasyon. May mga nanligaw din sa aking lalaki ngunit agad ko silang dinidispatsa.
Hanggang sa makilala ko si Winnie. Winfredo ang tunay niyang pangalan pero siyay pusong babae. Pati ang kanyang ayos ay babaeng-babae at maliban na lang kung matama mo siyang pagmamasdan, hindi mo sasabihing lalaki siya.
Pati ang boses niya at lambing ng kanyang pagsasalita ay babaeng-babae ang dating. Si Winnie ay isang beauty queen sa kanilang barangay gay beauty pageant. Nakilala ko siya nang akoy makipamista sa bahay ng isang kaibigang kapitbahay ni Winnie at napanood ko ang ginanap na beauty contest. Di ko maintindihan ang sarili ko. Attracted ako kay Winnie sa unang kita pa lang.
Ipinakilala ako sa kanya ng kaibigan ko at magmula noon ay naging magkaibigan kami until nag-propose ako sa kanya. Im happy dahil umibig din siya sa akin. I believe na ang aming relasyon ay hindi puro sex lang dahil napagkasunduan na naming magpakasal. Yung ibang kaibigan kong tomboy ay pinagtatawanan ako. Ganoon din si Winnie. Pinagtatawanan siya ng kanyang mga kabaro.
Dapat ba naming ituloy ang aming plano? Para kasing nahihiya kaming magmamartsa sa altar. Isang tibo at isang bading. Di po ba katawa-tawa?
Nikki
Dear Nikki,
Bakit kayo mahihiya? In the real sense, tama lang na magpakasal kayo kung tunay kayong nagmamahalan. In the biological sense, isa kang tunay na babae at siya ay lalaki. Ibig sabihin, may katuturan ang pagsasama ninyo. Puwede kayong bumuo ng tunay na pamilya without resorting to adoption.
Kaya wala kayong problema. Huwag pansinin ang sino mang lalait sa inyo. Pero tiyakin ninyo na sa araw nang kasal, ikaw ang naka-trahe de boda at hindi si Winnie. Otherwise, talagang lalabas na komedya ang inyong kasal. Best wishes!
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am