Kailangan: Mga kaibigan sa panulat
September 20, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo sampu ng lahat ng kasamahan ninyo sa Pilipino Star Ngayon.
Sana po, lagi kayong masaya at nasa mahusay na kalusugan. Pagpalain po kayo ng Maykapal sa lahat na ginagawa ninyong tulong sa tulad naming nangangailangan ng mga tunay na kaibigan at inspirasyon sa buhay.
Lumiham po ako sa inyo dahil nais kong humingi ng tulong na sana ay magkaroon kami ng mga kaibigan sa panulat.
Lubha pong malungkot dito sa loob at tanging ang pakikipagsulatan lang ang puwedeng makagamot sa pangungulila sa pamilya at mga kaibigan.
Dalawa po kaming umaasa na sana ay makatagpo kami ng maraming kaibigan at matutong muling magtiwala sa lipunan na nagtakwil sa amin.
Lubos na gumagalang,
Rico Evangelista, 33, at
Jerry Brigoli Armodia, 36,
Maximum Compound,
Squad E. D98 P. 88,
Davao del Norte 8105
Dear Rico at Jerry,
Salamat sa liham ninyo at sana rin ay nasa mabuti kayong kalagayan diyan sa loob.
Inaasahan ng pitak na ito na dahil sa liham ninyo ay maraming mambabasa namin ang susulat sa inyo para makipagkaibigan at pawiin ang inyong pangungulila.
Sana rin, mas maaga kayong makalaya para muling maging bahagi ng inyo-inyong pamayanan.
Huwag kayong mawawalan ng tiwala sa Diyos at sa tao dahil sa kabila ng lahat, may inaasahan pa kayong magandang hinaharap kung matututuhan ninyong pagsisihan ang lahat at mabalik sa mabuting landas ng buhay.
Hangad namin ang inyong kaligayahan tuwina.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended