^

Dr. Love

Dalawa ang boyfriend

-
Dear Dr. Love,

I hope you can help me with my big problem. Itago mo na lang ako sa pangalang Lindsey. Ako’y taga-Bulacan pero pagka-graduate ko ng high school, nag-enrol ako sa UST sa kursong BS Psychology. Gusto ko kasing maging doktora. Nagbo-board ako sa isang dorm dito sa España.

Sa aming bayan sa Malolos, mayroon akong kasintahan. Simula pa sa first year high school ay boyfriend ko na siya at mahal na mahal namin ang isa’t isa. Nag-enrol naman siya sa isang maliit na kolehiyo sa aming lalawigan kaya hindi kami nagkasama sa Maynila.

Nang mag-aral ako sa Maynila ay nagkaroon ako ng isa pang boyfriend. Noong una ay hindi ko siya masyadong mahal. Pero na-develop na ako sa kanya sa paglipas ng panahon. Very caring siya at natutuhan ko na rin siyang mahalin. Unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking dating boyfriend sa probinsya.

Nagi-guilty ako sa tuwing magkikita kami ng aking unang boyfriend kapag umuuwi ako ng probinsya once a week. Gusto ko na sana siyang i-break pero naiisip ko ang mahabang panahong pinagsamahan namin. Naaawa ako sa kanya dahil alam kong mahal niya ako.

Ano ang gagawin ko?

Lindsey


Dear Lindsey,


Magiging napaka-unfair mo sa dalawa mong kasintahan kung hindi ka makikipag-break sa isa. Mag-isip kang mabuti at timbangin kung sino ang mas mahal mo sa kanilang dalawa. Kung nakatitiyak ka na mahal mo ang bago mong kasintahan, masakit mang gawin ay tapusin mo ang relasyon mo sa boyfriend mo sa probinsya. Totoong masasaktan siya pero mawawala rin ang sakit paglipas ng panahon.

Hindi makabubuti na dahil lang sa awa ay pananatilihin mo ang relasyon sa kanya. Habang maaga, gawin mo iyan para pareho kayong makalaya at mabigyan din siya ng pagkakataong humanap ng ibang mamahalin.

Dr. Love

AKO

ANO

BULACAN

DEAR LINDSEY

DR. LOVE

ESPA

HABANG

ITAGO

LINDSEY

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with