^

Dr. Love

Totoo ang Salita ng Diyos

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Danny Q. Junco -
Marami ang dinanas kong mga pagsubok sa buhay, subalit ito’y aking napagtagumpayan sa tulong at biyaya ng Diyos. Ang medyo matinding pagsubok na dinanas ko ay nang magkasakit ang aking bunsong anak na babae ng dengue kamakailan lamang.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang maligalig at hindi ako mapakali dahil ngayon lamang nagkasakit ang aking anak ng dengue. Hindi ko kasi inaasahan na magkakasakit siya nito dahil maingat naman siya at palagi namang malinis ang aming kapiligiran at tahanan.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang sakit na ito ay mapanganib at marami na ang buhay na kinitil nito.

Ang anak ko ay nag-aaral sa isang science school sa Mandaluyong City at hindi namin suka’t akalain na doon pa siya makakagat ng lamok na may dala ng sakit na ito. Buong araw kasi siya at ang kanyang mga kamag-aral ay naglilinis sa kanilang classroom at walang kamalay-malay na nakagat na pala siya ng lamok na may dengue. Sabado sila naglinis at kinabukasan ng hapon ay nilalagnat na siya.

Pinainom ko agad siya ng paracetamol pero hindi bumaba ang kanyang lagnat. Ang ginawa ko ay pinabili ko ang aking mister ng ibang uri ng paracetamol at baka sakaling humupa ang lagnat ng anak namin. Nawala ang kanyang lagnat pero hindi ko pa rin siya pinapasok sa eskuwelahan. Kinagabihan ng Martes, bumalik ang kanyang lagnat at nagrereklamo na siya na nananakit ang kanyang katawan at nanghihina. Kinaumagahan ng Miyerkules, dinala agad namin siya sa UERM Hospital sa may Aurora Blvd., Quezon City dahil doon ang kanyang doktor mula pagkabata pa niya.

Sa emergency room ng UERM, tiningnan agad siya ng doktor, kinuhanan ng temperature at in-examine ang kanyang dugo at ang findings ay may dengue fever siya at kailangang ma-admit siya kaagad para ma-monitor ang kanyang kalagayan.

Ayon pa sa kanyang doktor, bumaba ang kanyang blood platelets niya sa 100 mula 200, ang normal na blood platelets ng tao. Dahil kami ay may personal na ugnayan sa Panginoong Jesu-Cristo, simula pa lamang nang lagnatin ang anak namin ay ipinanalangin na namin sa Diyos na pagalingin Niya ang anak namin.

Ipinatong ng aking asawa sa ulo ng aming anak ang kanyang kanang kamay upang sawayin ang sakit na ito at paalisin sa kanyang buong katawan.

Inalerto agad ng aking asawa ang mga ka-church members naming mga intercessor upang mag-intercede sa aming anak lalo na nang malaman namin na dengue ang sakit nito.

Pababa nang pababa ang blood platelets ng anak namin at ito’y sumagad sa 27. Dito ay talagang mataimtiman at pukpukan ang aming mga panalangin na iligtas ng Panginoong Jesu-Cristo ang aming anak sa bingit ng kamatayan. Ang aming pinanghahawakan ay ang Salmo 91 na nagsasabi na iingatan ng Diyos ang Kanyang mga anak sa kahit na anumang sinusuong na panganib sa kanilang buhay o sa bingit ng kamatayan ay hindi sila mapapahamak dahil ililigtas Niya sila.

At dininig ng Diyos ang panalangin ng aming mga intercessor pati na ang aming mga panalangin na ililigtas ng Panginoong Jesu-Cristo ang aming anak sa bingit ng kamatayan. Naging makatotohanan ang Salita ng Diyos sa Salmo 91 sa amin nang mawala ang lagnat ng aming anak at tuluyan na siyang pinagaling ng Panginoong Jesu-Cristo. Pinatunayan Niya na ang Kanyang Salita ay totoo sa mga anak na sumusunod, umiibig at naglilingkod sa Kanya. Purihin at sambahin

Siya dahil napakabait at napakabuti Niya sa amin at sa sinuman na sumampalataya sa Kanya bilang sariling Panginoon, Diyos at Tagapagligtas at humihingi ng tulong sa Kanya.

Ate Lyn ng Cainta




(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

AMING

ANAK

DIYOS

KANYA

KANYANG

NAMIN

NIYA

PANGINOONG JESU-CRISTO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with