^

Dr. Love

Dahil siya’y ‘pangit’

-
Dear Dr. Love,

Maraming salamat sa pag-uukol mo ng pansin sa sulat ko, Dr. Love. Tawagin mo na lang akong Mercy, 27-anyos.

Magmula nang ako’y magdalaga, wala akong naging manliligaw. Hindi ako nagtataka dahil tanggap ko nang ako’y kapos sa kagandahan. Maitim na ang kutis ko, pandak pa. Pero maipagmamalaki kong ako’y matalino. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa kursong Accounting at isa ako sa mga pinakamatalino nang ako’y estudyante pa.

Ngayo’y nagtatrabaho ako sa isang banko. Nagulat na lang ako nang for the first time in my life, nagkaroon ako ng manliligaw. Siyempre, parang lumundag ang puso ko sa tuwa. He is a regular guy at may maganda rin namang trabaho sa isang credit firm.

Naging magkaibigan kami dahil regular kaming nagkikita sa transaksyon sa banko. Nang mag-propose siya sa akin ay hindi ako makapaniwala. Bakit siya papatol sa isang kulang sa sukat at kulang sa ganda gayung marami naman siyang puwedeng ligawan na magagandang babae?

Natatakot tuloy akong sagutin siya dahil baka pinaglalaruan lang niya ako. Ano ang gagawin ko?

Mercy


Dear Mercy,


Hindi ko sinasabing sunggaban mo agad ang tsansa at baka mawala pa. Ang maipapayo ko sa iyo, ituloy mo ang pakikipagkaibigan sa kanya. I’m sure he won’t mind kung hindi mo agad ibibigay ang iyong "matamis na oo" dahil gusto mo pa siyang makilala nang mas malalim. Sa ganyang paraan, lalong tataas ang respeto sa iyo ng iyong manliligaw kung talagang mahal ka niya.

Huwag kang magduda sa kakayahan mong makaakit ng manliligaw. Maaaring mayroon kang katangian na gusto ng iyong manliligaw kaya sinusuyo ka niya. May mga lalaki rin namang hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa panloob na katangian.

Dr. Love

AKO

ANO

BAKIT

DEAR MERCY

DR. LOVE

HUWAG

MAAARING

MAGMULA

MAITIM

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with