^

Dr. Love

Matanda ang tadhana

-
Dear Dr. Love,

Hello! Dito po sa loob ng bilangguan, sikat na sikat ang inyong pahayagan at tinatangkilik ang inyong column. Kaya po bunga ng dinadala ko pang kalungkutan, heto ako at lumiham sa inyo para buhayin ang alaala ng matamis kong pag-ibig na ipinagdamot sa akin ng tadhana.

Nag-iisa po akong lalaki sa apat na magkakapatid at ako rin ang panganay. Sa murang edad na 16, nawalan po kami ng magulang bunga ng aksidente sa barko kaya’t sa aking balikat naiatang ang pagbuhay sa aking mga nakababatang kapatid.

Napilitan akong kumayod upang mabuhay kami at mapapag-aral ang aking mga babaeng kapatid.

Minsan po, may ipinakilala sa akin ang aking mga kapatid na isang magandang babae. Itago na lang natin siya sa pangalang Mercy. Pero tinutulan ng kanyang mga magulang ang aming pag-iibigan.

Dahil dito, iniwasan ko si Mercy. Pero nagbanta si Mercy na kung tuluyan ko siyang iiwanan ay magpapakamatay siya.

Hindi ko pinansin ang bantang ito at ako ay lumuwas ng Maynila para magtrabaho. Pero apat na buwan pa lang ang nakakalipas, nakatanggap ako ng sulat sa aking mga kapatid na nagpakamatay daw si Mercy sa pamamagitan ng pag-inom ng lason.

Halos mawala rin ako sa sarili sa nangyari. Gusto ko ring magpakamatay pero nagmakaawa ang aking mga kapatid.

Masakit man sa loob, pinilit kong makalimot sa pagsubsob ng ulo sa trabaho.

Hanggang sa makatanggap ako ng balita na namatay daw ang dalawa kong kapatid.

Sinabi ng bunso kong kapatid na ang dalawa naming kapatid ay pinatay ng Papa ni Mercy.

Nakulong ang ama ng yumao kong girlfriend pero ilang linggo lang ang nakalipas, nakalabas din siya sa kulungan.

Bunga ng kawalan ng katarungan sa nangyari, inabangan ko po ang ama ni Mercy at pinatay ko rin siya. Kaya heto ako at nakapiit.

Tunay po na matamis ang pagmamahalan namin ni Mercy pero sadyang malupit ang tadhana sa amin. Ang hatol sa akin ay pagkabilanggo nang matagal na panahon.

Sana po, sa pamamagitan ng inyong column, makatagpo ako ng mga kaibigan sa panulat para maibsan ang aking kalungkutan dito sa loob.

Salamat po at more power to you.

Kamar "Tisoy" Saumay


#D204P-054 Maximum Compound

Dapecol, Panabo 8105

Davao del Norte


Dear Tisoy,


Malungkot ang kasaysayan ng buhay mo. Bagaman nakikisimpatiya ako sa serye ng mga insidenteng naganap sa buhay mo, kailangang gumulong ang katarungan sa nagkasala.

Bagaman sinasabi mong ang dalawa mong kapatid ay pinatay ng ama ng nagpakamatay mong kasintahan, kailangang patunayan mo ang akusasyong ito sa korte.

Kailangang tatagan mo ang iyong sarili, magpakabuti sa piitan para mapabilis ang paglaya. Sakali’t makalaya ka na, kailangang tumahak ka na sa tamang direksiyon. Itaguyod mo ang nalalabi mo pang kapatid at huwag mong ilagay ang katarungan sa iyong mga kamay.

Huwag mong kalimutang manalangin para mapaglabanan mo ang anumang tukso at hamong dumarating sa buhay mo.

Sana, makatagpo ka ng maraming tapat na kaibigan.

Dr. Love

AKING

AKO

BAGAMAN

DEAR TISOY

DR. LOVE

KAPATID

KAYA

MAXIMUM COMPOUND

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with