Magandang araw sa iyo at datnan ka nawa ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan sampu ng iyong mga mahal sa buhay. Tawagin mo na lang akong Paul ng Angeles City.
May asawa na ako at tatlong anak. Im happily married. Pero may kasabihang boys are boys. Nagkaroon ako ng trabaho sa Maynila at naiwan ang aking pamilya sa Angeles.
Minsan isang linggo ang uwi ko sa amin. Sa aking pangungulila, nakilala ko ang aking kapitbahay dito sa Ermita na si Irma. Isa siyang GRO. Oo ngat GRO siya pero disente at maganda.
Tinamaan ako sa kanya. Niligawan ko siya at naging siyota. Nag-live-in kami at ang buong akala niyay binata ako. Minsang dumalaw sa kanya ang kanyang mga magulang ay ipinakilala niya ako. Boto naman sila sa akin.
Heto ngayon ang problema ko. Nabuntis ko si Irma at ngayoy niyayaya akong pakasalan siya. Alam na rin ito ng kanyang mga magulang.
Problemang malaki ito. Tulungan mo ako.
Paul
Dear Paul,
Hindi ka makapagtatago sa dilim habambuhay. Ang magagawa mong mabuti at tama ay ipagtapat ang totoo. Of course may mangyayaring conflict. Pero gumawa ka nang mali, harapin mo ang consequence ng iyong pagkakamali.
Kaya ngayon pa lang ay tumipon ka na ng lakas ng loob para maisiwalat kay Irma ang buong katotohanan. Sabihin mong hindi ka puwedeng magpakasal sa kanya dahil may sabit ka na.
Iiyak siya. Baka maging bayolente. Baka rin paghigantihan ka ng kanyang mga kaanak sa ginawa mong panlalamang sa kanya. Hindi kita tinatakot. Ang sinasabi ko lang, magpakalalaki ka. Lahat ng taoy nagkakamali at bawat maling ginawa natin ay dapat ituwid.
Dr. Love