Ibig umatras sa kasal
July 1, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Good day to you and to your readers. Matagal na akong nagbabasa ng PSN at enjoy akong basahin ang mga sulat ng mga humihingi ng payo sa iyo.
I didnt know na isa rin ako sa mga hihingi ng iyong mahalagang payo. Tawagin mo na lang akong Ms. Libra, 23-anyos at nakatakda nang ikasal.
Hindi ko mahal ang guy na pakakasalan ko. Kaya lang, may dinadala na ako sa aking sinapupunan na baby niya. Ewan ko ba kung paano nangyari. Nagkaroon kami ng one night stand at ayun, tumalab.
Conservative ang mga parents ko kaya nang malamang buntis ako, kinausap ang guy na pumayag namang panagutan ang bata.
I just realized na hindi ako liligaya dahil wala naman talaga akong love sa lalaking ito na kaibigan ko lang. Gusto kong umatras pero natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga parents ko.
Ano ang gagawin ko?
Ms. Libra
Dear Ms. Libra,
The fact na pumayag sa kasal yung lalaki ay nangangahulugang mahal ka niya. Ang problema, the feeling isnt mutual. Tama ka. Hindi komo may dinadala ka sa sinapupunan ay susubo ka na sa kasal.
Ayaw kong sumbatan ka sa mga nagawa mong baluktot. Nandiyan na iyan at hindi na mababago. Kung makaahon ka sa problema, sana may leksyon ka na at huwag mo nang uulitin pa. Sana.
Kausapin mo ang iyong mga magulang at ipaliwanag ang sitwasyon. Sabihin mong kaligayahan mo ang nakataya kaya hindi dapat matuloy ang inyong kasal. Kausapin mo rin ang guy. Malaking insulto sa kanya pag nagkataon ang iyong pag-atras pero mas mabuti na yung gumawa ka ng tama kaysa ituwid mo nang mali ang isang mali. Para hindi siya mapahiya, i-suggest mo sa kanya na kunway siya ang umatras sa kasal nang hindi naman ma-offend ang kanyang ego. Mapag-uusapan iyan sa mabuti at mahinahong paraan. Siyanga pala, bayaan mong maisilang sa sang-maliwanag ang baby at huwag mong ilaglag.
Pumasok ka sa gusot, panindigan mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended