^

Dr. Love

Misis at kumpare ko, tinalo ako

-
Dear Dr. Love,

Greetings in the name of our Lord Jesus Christ!

Ako po ay isa sa tagasubaybay ng inyong malaganap at sikat na pahayagang PSN at ng inyong column na Dr. Love.

Sumulat po ako para maibahagi sa inyo at sa inyong mga tagasubaybay ang kasaysayan ng aking buhay at mabigyang payo sa aking problema.

Ako po ay isa sa mga bilanggo sa Muntinlupa. Napiit po ako dahil nakapatay ako ng tao bagaman wala akong intensiyong gawin ito at nangyari dahil sa pagtatanggol ko sa aking sarili.

Mula nang makulong ako sa piitan, naging masalimuot na ang buhay ko at malaki ang naging epekto nito sa dati ay magandang pagsasamahan naming mag-asawa.

Noong una ay madalas niya akong dinadalaw hanggang sa unti-unting dumalang at tuluyan na niya akong inulila.

Bagaman nangyari ito, patuloy akong umaasa na bibisitahin uli niya ako pero patuloy akong nabigo.

Hanggang sa isang araw, nalaman ko na lang sa isang nagmalasakit na kapitbahay na matagal na palang wala sa aming bahay ang asawa ko at nabenta niya ang aming tirahan.

Ang masakit pa nito, may kinakasama na pala siya at ito ay walang iba kundi ang kumpare kong buo.

Noong araw na mabatid ko ang masakit na birong ito ng tadhana, gusto ko nang tapusin ang aking buhay nang matapos na ang paghihirap ko. Pero nanaig pa rin sa akin ang takot sa Diyos.

Pero hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa takbo ng buhay ko.

Ano po kaya ang dapat kong gawin? Mayroon pa kayang ibang babae na magmamahal sa akin nang tapat kahit ako ay isang bilanggo?

Pagpayuhan po ninyo ako sa dapat kong gawin.

Sana po, matulungan ninyo akong makahanap ng totoong kaibigan na handang umunawa sa isang tulad ko.

Lubos na gumagalang,

Arnold Gatdula


1-C Student Dorm,

Camp Sampaguita,

Muntinlupa City 1776


Dear Arnold,


Huwag kang padadaig sa simbuyo ng sama ng loob. Matututuhan mo nang patawarin ang nagtaksil mong asawa. Hindi niya natagalan ang lungkot at maaaring gipit na kalagayan dahil wala ka.

Kung sumasagi sa isip mo ang paghihiganti, lamigan mo ang ulo at manalangin.

Walang tuksong mamamahay sa katauhan mo kung matatag ka dahil kagabay mo ang Panginoon.

Mahalin mo rin ang buhay mo na pahiram sa iyo ng Diyos dahil kung nakapatay ka dahil kamo sa pagtatanggol sa sarili, kung ang nagwagi sa laban ninyo ng nakaaway mo ay siya, ikaw naman ang wala na sa mundong ibabaw.

Maaaring niloob ng Panginoon ang naganap na insidente, para may matutuhan ka at pagsisihan mo ang pagkakasala para paglaya mo, purihin mo Siya at pasalamatan sa panibagong buhay na kaloob Niya sa iyo.

Pangibabawin mo lagi ang katatagan ng damdamin at pag-iisip at mawawala ang kalituhan mo sa buhay.

Nag-aaral ka uli? Mabuti para mapaghandaan mo ang buhay sa laya.

Dr. Love

AKO

ARNOLD GATDULA

BUHAY

C STUDENT DORM

CAMP SAMPAGUITA

DEAR ARNOLD

DIYOS

DR. LOVE

LORD JESUS CHRIST

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with