Hanggang sa pangarap na lang ba?
May 28, 2005 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Ako po si Ronald, 31-anyos, may asawa at anak na babae na dalawang taong gulang.
Isa po akong anak-mahirap at ikinahihiya ko ito. May trabaho po ako pero hindi pirmihan. Tinatanong ko ang aking sarili at ng aking asawa kung bakit ako ipinanganak na mahirap at walang mapasukang matatag na trabaho.
Pero ang mga kamag-anak ng Tatay ko, may mga kaya sa buhay samantalang kami ay ni walang pera na pampaayos ng bahay. Magkaroon man kami ng pera ay pambili lang ng pagkain, pambayad sa tubig at kuryente. Ni wala kaming ipon para sakaling magkasakit kami o anumang emergency ay may madudukot.
Marami akong alam na trabaho. Marunong akong magmaneho, magkarpintero at sa electrical ay nakakaintindi rin ako. Nag-apply ako sa abroad pero nahinto dahil walang perang panlakad ng mga papeles.
Dr. Love, hanggang sa pangarap na lang ba ako aasenso? Lubos na gumagalang,
Ronaldo ng Bulacan
Dear Ronaldo ng Bulacan,
Dapat bang ikahiya ang pagiging anak-dalita? Hindi. Bagkus ito'y isang karangalan lalo pa't sa kabila ng kahirapa'y nakakapamuhay ka ng marangal.
Marami kang talento na maaari mong gamitin sa pag-akyat sa tugatog ng iyong pangarap. Gamitin mo iyan at naniniwala akong magiging maganda ang iyong bukas. Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended