^

Dr. Love

Crush ko si sir

-
Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lamang akong Lyn, 14 years-old at nasa third year high school. I think in-love ako sa aking PE teacher. Hindi ko na sasabihin ang pangalan niya.

Tingin ko, favorite niya ako sa klase kasi he pays special attention to me. Dahil dito, parang lumalalim ang love ko sa kanya. Ang pogi kasi niya. Para siyang si Jericho Rosales.

Sa palagay mo Dr. Love, may gusto kaya siya sa akin? Help me naman please dahil lagi akong hindi makatulog sa kaiisip sa kanya.

Eh kung padalhan ko kaya siya ng love letter? Lyn


Dear Lyn,


Hindi love ang nararamdaman mo kundi attraction lang. Menor de edad ka at alam mo ba na ang ano mang mabuong relasyon sa pagitan mo at ng iyong teacher ay baka ikapahamak niya?

Sana’y hindi mapagsamantala ang teacher mo. Kasi kapag nahalata niyang crush mo siya, baka mag-take advantage siya. Kapag nagkataon, mapapahamak siya.

Puwedeng magdemanda ang iyong mga magulang laban sa kanya, alam mo ba? Kung may namagitan sa inyong dalawa baka makasuhan pa siya ng statutory rape.

Kaya iha, ano man ang damdamin mo sa kanya, kalimutan mo at magpahinog ka muna. First things first, at iyan ay ang pag-aaral. Matagal pa bago ka makatuntong sa kolehiyo kaya kalimutan mo muna ang tungkol sa seryosong love affair. Kung mahal mo siya talaga, hindi mo siya babayaang mapahamak.

Dr. Love

vuukle comment

DAHIL

DEAR LYN

DR. LOVE

JERICHO ROSALES

KAPAG

KASI

KAYA

LOVE

MATAGAL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with