^

Dr. Love

Tumulong sa mga mahihirap

- Ni Danny Q. Junco -
Ipinanganak ako ng aking mga magulang na ang relihiyon ay Roman Catholic. Ako’y naging interisado sa pangkalangitang mga bagay-bagay simula nang ako’y magkaisip. Nagpatayo ako ng kapilya at nilagyan ko ito ng mga dambuhalang imahen na aking sinasamba tuwina at ginawa ko rin ang mga gawain ng isang pari. Ang nakakatuwa, ang aking mismong ama ang tumulong sa akin para maipatayo ko ang "Station of the Cross" sa bahay ko.

Ako’y may mga panata at isa na rito tuwing Mahal na Araw, lalo na kapag Biyernes Santo, ay kasama ako sa mga humihila ng karomatang nilalagyan ng sa estatwa ng Nazareno ng Quiapo. Napakaraming mga tao na namamanata na gustong makahawak sa imahen ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kanilang mga palad o kaya ng mga panyo upang makatanghap mga himala, kagalingan o mga kasagutan sa panalangin.

Ako ay may polio. Ang kaliwang paa ko ang siyang naapektuhan kung kaya’t ako’y pakimpang-kimpang kapag lumalakad. Kahit ganito ang kalagayan ko, ako’y nakikipagsiksikan para lamang mahawakan ko ang lubid na siyang humihila sa patrong Nazareno upang sa ganitong paraan ay makatanggap ako ng kapatawaran sa Nazareno at pabor dahil sa ginawa kong pagsasakripisyo para sa kanya.

Ako’y nagiging tagapagtanggol ng Romano Katoliko, nangungumpisal sa pari, sinaulo ko ang rosary, nagno-novena sa mga santo at nagkukumunyon tuwing Linggo. Ako rin ay isang kursulista at miyembro ng iba’t ibang organisasyon ng Romano Katoliko.

Kahit ako’y kinakapos sa pera, hindi ko suka’t akalain na ako‚y makakarating sa Amerika noong 1969 at dito ko nakilala nang lubusan si Jesu-Cristo. Noong 1975, Linggo ng umaga, naramdaman ko na naging walang katuturan ang buhay ko, hungkag at wala akong gana na magsimba. Umupo ako sa sofa at binuksan ko ang TV at napakinggan ko ibinigay na mensahe ni Oral Roberts. Tuwing Linggo pala, si Pastor Roberts ay may programa sa TV dahil ito ang isa sa mga ministeryo niya. Ang tema ng kanyang paksa ay kung paano ipanganak muli ang tao. Noon ko pa lamang naunawaan na ang kaligtasan ay hindi pala sa pagiging relihiyoso, sa paggawa ng mabuti o sa relihiyon kundi ang pakikipag-relasyon sa Panginoong Jesus. Pagkatapos ng mensahe ni Pastor Roberts, ako’y sumunod sa panalangin niya sa pagtanggap ng Panginoong Jesu-Cristo bilang sarili kong Tagapagligtas, Panginoon at Diyos ng aking buhay at sa oras na yaon ay aking tinalikuran ang lahat ng aking kasalanan. Sa oras na yaon, noon ko palang naranasan ang tunay na kapayapaan, kagalakan at pag-ibig ng Diyos.

Bagama’t ako’y isang CPA (Certified Public Accountant), tax consultant, paralegal at real estate broker, hindi ko ito ipinagmamalaki. Ako’y nag-aaral pa para matuto pa ako nang mabuti hinggil sa Panginoong Jesu-Cristo sa Summit Bible College, Bakersfield, California at nakapagtapos ako sa taong ito ng Master’s Degree at Doctorate in Theology. Ako’y inordinahan bilang Minister of the Gospel of Christ ni Dr. Jeff Victor, founder at President ng Summit Bible College noong June 5, 2004 na nagkataon na birthday ko rin.

Sa kasalukuyan, ako ang president ng Volunteers of Christ, isang organisasyon na iniregister ko noong Hulyo 26, 2004 na ang pakay ay makatulong sa mga struggling missionaries, magbigay ng grants sa mga Bible students at tulungan ang mga pastor na naghihirap. Kung gusto ninyong makipagtulungan, tawagan laman ninyo ako sa (707) 554-3703. Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo.

Dr. Alberto S. Nunez

415 Hale St., Vallejo CA 94591


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

AKO

BIYERNES SANTO

CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT

DIYOS

NAZARENO

PANGINOONG JESU-CRISTO

PASTOR ROBERTS

ROMANO KATOLIKO

SUMMIT BIBLE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with