^

Dr. Love

Crush si insan

-
Dear Dr. Love,

Sana sa pagtanggap ninyo ng sulat kong ito ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Ako po si Kian, 15 years-old at high school student.

Ang problema ko po ay nagkakagusto ako sa aking pinsan. Natural lang naman siguro ang humanga sa kapwa pero ang nararamdaman kong ito ay pag-ibig na ata.

Dahil dito ay nawawalan ako ng interes sa aking pag-aaral. Alam kong may tama rin sa akin ang pinsan ko dahil nahahalata ko siya.

Dr. Love, ano po ang nararapat kong gawin upang malutas ang aking problema? Sana po ay tulungan ninyo ako. Lubos na umaasa,

Kian


Dear Kian,


Ang anak mismo ni Pangulong Gloria Arroyo ay ikinasal sa kanyang second cousin.

Hindi mo nasabi kung ang lalaking hinahangaan mo ay first, second o third cousin mo. Kung malayo ay puwede marahil.

Pero tiyak ka ba sa nararamdaman mo? Baka naman physical attraction lang iyan.

Iha, you’re only 15 years-old kaya pag-aralan mong mabuti ang nararamdaman mo. Bata ka pa at marami ka pang makikilala pagdating ng araw. Dr. Love

vuukle comment

ALAM

BATA

DAHIL

DEAR KIAN

DR. LOVE

IHA

KIAN

LUBOS

PANGULONG GLORIA ARROYO

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with