^

Dr. Love

Nakikiming pag-ibig

-
Dear Dr. Love,

Isa po ako sa marami ninyong mambabasa at tunay pong kapupulutan ito ng maraming aral sa buhay.

Hindi ko po ipinagkakaila ang katotohanang isa akong "bading" at ang pangyayaring ito, bagaman inililihim ko sa aking pamilya ay lantad naman sa mga kaibigan ko at mga kakilala sa opisina.

Sa bahay namin ay nagkukunwari akong "macho" pero sa opisina namin ay nakababa na ang aking kapa. Tanggap nila kung sino ako at sila pa nga ang hingahan ko ng aking problema sa buhay.

Ang problema ko ngayon ay kung paano ko ipakikita sa isang kapitbahay kong guwaping na type ko siya dahil sa aming lugar, ang pag-aakala nila ay lalaki ako.

Kaibigan ko ang napupusuan kong kelot at malimit na isinasama pa nga niya ako sa mga lakad niya at pagpunta sa bahay ng nililigawan niyang babae.

Masamang-masama ang loob ko. Selos ang nararamdaman ko lalo pa nga’t masyado niyang iniinda ang hindi pagpansin sa kanya ng nililigawang chicks.

Gusto ko nang sabihing sa akin na lang niya ibaling ang kanyang pansin at mamahalin ko siya nang todo-todo.

Pero ang suliranin ko nga, hindi pa niya bistado ang kasarian ko at baka kung malaman niya ang katotohanan sa pagkatao ko ay layuan niya ako.

Sana po ay pagpayuhan ninyo ako. Kailangan ko na bang sabihin sa kanya ang katotohanan na may pagtingin ako sa kanya?

Hangad ko po ang patuloy na pamamayagpag ng column ninyo at more power to you.

Jeannie


Dear Jeannie,


Kung desidido kang malaman ng lalaking type mo ang damdamin mo para sa kanya, walang masama kung sabihin mo ang katotohanan. Na ikaw ay may lihim na pagmamahal sa kanya at ang kasarian mo ay ang sinasabi nating third sex.

Kung talagang isa siyang tunay na kaibigan, maiintindihan niya ang kalagayan mo. Hindi ka niya pandidirihan.

Maaaring bigyan ka pa niya ng payo sa buhay kung sakali’t puwede pang mabago ang damdamin mo, tuturuan ka niyang maging tunay na lalaki.

Pero ito ay isang sapantaha lang. Hindi natin alam kung ganito nga ang magiging reaksiyon niya sa sasabihin mo sa kanya.

Kung ayaw mo namang malayo sa kanya at masira ang pagkakaibigan ninyo, sarilinin mo na lang ang kimi mong pagtingin sa kanya.

Mahirap ang ganitong sitwasyon. Kaya kailangang maging handa ka anuman ang kahihinatnan ng damdaming ito para sa isang kaibigang lalaki.

Good luck to you at sana ay magkaroon ng solusyon ang problema mo.

Dr. Love

AKO

DEAR JEANNIE

DR. LOVE

HANGAD

ISA

JEANNIE

KANYA

KUNG

NIYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with