Easy to get ba ako?
September 4, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you and to all the members of PSN staff. I'm one of your avid readers here in Sta. Cruz, Zambales. This is my first time to write to your column. Kailangan ko po kasi ng advice ninyo.
Just call me Ms. Capricorn, 16 years-old, a 4th year high school student. My problem is about my family and my boyfriend na tawagin na lamang nating Davidson, 18, and residing in Bulacan.
Nagkakilala kami dahil sa tito niya na napangasawa ng tita ko. Pinag-holding hands po kami at pinagkilala nila. Pangalawang gabi, niligawan na niya ako at sinagot ko naman siya dahil mabait siya at saka gusto kong maramdaman kung ano ang feelings ng may boyfriend.
Nang umuwi na siya sa Bulacan, nalaman po ng pamilya ko na nakipag-holding hands ako. Pinagsabihan nila ako na dapat daw akong mahiya sa ginawa ko.
Nagsusulatan po kami ni Davidson bagaman bihira nga lamang dahil tuwing pumupunta sa Bulacan ang tita ko ay saka lang ako nakakapagpadala ng sulat sa kanya at mga pagkain. Ganoon din siya sa akin.
Kaya lang, minsan ay nagi-guilty ako dahil nilalabag ko ang kagustuhan ng mga magulang ko at natatakot po ako na malaman nila na kinukunsinti ako ng tita ko.
Ano po ang dapat kong gawin? Hindi po alam ng mga magulang ko na may bf na ako. Isa pa, easy to get ba ako dahil sinagot ko siya agad? Please help me. I need your response.
Lubos na gumagalang,
Ms. Capricon of SCZ
Dear Ms. Capricorn,
Hindi naman masama kung makipagsulatan ka at magkaroon ng boyfriend. Kaya lang, lubhang bata ka pa at dapat sana'y inaasikaso mo muna ang pag-aaral mo.
Siguro, kaya tutol ang mga magulang mo na makipagmabutihan ka agad sa isang lalaki ay dahil sa dalawang rasong ito. Maipapakita mong wala silang dapat na ikabahala kung hindi mo pababayaan ang pag-aaral mo kahit na mag-boyfriend ka at ito ang magsisilbing inspirasyon mo sa buhay.
Puppy love pa lang ang nararamdaman mo kaya huwag mo itong masyadong seryosohin. Marami pang mga pangyayaring darating sa buhay mo na hindi mo inaasahan.
Magkalayo pa kayo ng lugar. Siya man ay maaaring mabaling sa iba ang pagtingin kaya hayaan mo munang mahinog kapwa ang inyong isip bago kayo magseryoso sa pag-ibig.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended