^

Dr. Love

Bastarda

-
Dear Dr. Love,

Isa pong magandang araw sa inyo sampu ng inyong mga kasamahan sa PSN.

Alam ko pong hindi ninyo ipagkakait na bigyan ng puwang ang liham kong ito sa malaganap ninyong pahayagan. Batid kong pinag-aaralan ninyong mabuti ang bawat liham na dumarating sa inyo para bigyan ng kaukulang payo.

Kaya naman po minabuti kong sa inyo idulog ang problema ko na malubhang nakakaapekto sa aking pagkatao at maging sa lovelife ko.

Huli na po nang malaman ko na ako pala ay isang ampon lamang. Isang bastarda kung bansagan ako ng ina ng aking nobyo kaya nagkalas kami ng relasyon.

Wala akong intensiyong ilihim ito sa aking boyfriend at sa kanyang pamilya pero ang problema nga, hindi ko alam ang aking pagkatao at ang aking pinagmulan.

Masakit malaman na ang nakagisnan kong ina at ama ay hindi pala tunay kong mga magulang bagaman wala akong naramdamang pagkakaiba ng turing nila sa akin kung ihahambing sa mga nakagisnan kong mga "kapatid".

Kinalasan ko po ang boyfriend ko matapos malamang tutol sa akin ang kanyang mga magulang.

Ang intensiyon ko sa ngayon ay alamin kung sino ang aking tunay na ina at ama at kung tatanggapin nila ako bilang anak.

Walang masabi sa akin ang aking nakagisnang Mama at Papa dahil patay na ang komadronang lumapit sa kanila noon para ipaampon ako.

Iniwan lang daw ako sa komadrona ng aking tunay na ina na noon ay isa pa lang estudyante na may problema sa dinadalang sanggol na walang makakagisnang ama.

Nahihiya nga ako sa aking nakagisnang mga magulang dahil sa hindi ko maipaliwanag na pagmumukmok at parang pagkagalit sa mundo.

Alam kong mali ako. Pero parang hindi ko matanggap na ampon lang ako at hindi ko alam ang aking pagkatao.

Saan ko hahanapin ang tunay kong magulang?

Sana, mapagpayuhan ninyo ako. Ma. Teresa


Dear Ma. Teresa,


Salamat sa liham mo at nauunawaan ng pitak na ito ang iyong problema.

Sana sa paglalathala namin ng liham na ito, mayroong kusang lumantad na magulang mo para matapos na ang problema mo.

Pero ipinapayo namin na hindi mo dapat na ikahiya ang iyong pagkatao kahit na nga binansagan kang bastarda.

Ang mahalaga, mahusay ang pagkatao mo sa pamamagitan ng pagsubaybay at pag-aaruga ng ikalawa mong mga magulang.

Huwag kang magmukmok at maging isang problema ng pamilyang umandukha sa iyo noong panahong nangangailangan ka ng tulong.

Ang pangyayaring binuhay ka at hindi ka itinuring na ibang tao ng ikalawa mong mga magulang ay isang magandang pagkakataon para sa iyo para maipakitang ikaw ay isang mabuting tao at wala kang dapat na ikahiya kahit hindi mo kilala ang pinagmulan mo.

Ipagpatuloy mo ang magandang pakikisama sa mga nakagisnan mong mga magulang at sino ang makapagsasabing sa darating na panahon, malulutas mo rin ang iyong problema?

Harapin mo ang kasalukuyan at hinaharap.

Dr. Love

AKING

AKO

ALAM

DEAR MA

DR. LOVE

KONG

MAGULANG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with