Hinaing ng isang silahis
July 18, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Sumulat po ako sa inyo para humingi ng payo. Ako po ay nagtatrabaho dito sa Saudi Arabia. Ang problema ko po ay tungkol sa aking pagkatao. Hindi po alam ng mga kasamahan ko na ako ay isang silahis. Akala nila ay isa akong tunay na lalaki. Natatakot po ako na baka kapag nalaman nila ito ay magbago ang pakikitungo nila sa akin. Hindi rin alam ng kaibigan kong lalaki na higit pa sa pakikipagkaibigan ang pagtingin ko sa kanya. Gusto ko po sanang sabihin ito sa kanya kaya lang ay hindi ko alam kung paano. Natatakot po ako na kapag nalaman niya ay magbago siya ng pagtingin sa akin.
Ano po kaya ang dapat kong gawin? Sana po ay pagpayuhan ninyo ako dahil kung minsan ay hindi ako makatulog sa gabi. Sana po ay huwag nyo akong bibiguin dahil kayo lang po ang makakatulong sa akin.
Hihintayin ko po ang sagot ninyo. God bless you.
Its me,
Ernie
Dear Ernie,
Alam mo, marami akong kilalang bakla na binago ng Panginoon. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagbubulay sa Kanyang Salita, ang kanilang pagkatao ay nagbagong ganap. Ang imposible sa tao ay hindi imposible sa Panginoon. Mahal tayo ng Diyos anuman ang ating katayuan. Pero hindi niya tayo ibig na manatili sa mali na ating kinalalagyan.
Alam kong mahirap makatagpo ng Christian Bible diyan sa Saudi dahil itoy estriktong bansang Muslim. Pero kung magkakaroon ka, pagbulayan mo ito sa iyong pag-iisa.
Naririyan ang magagandang pangako ng Panginoon. Magbulay ka kasabay ng taimtim na panalanging baguhin ka niya. Ano mang bagay na hingin mo sa Ama sa ngalan ng Panginoong Hesus ay matatamo mo.
Kilala mo ba ang komedyanteng si Tonet Macho na isang lantad na bakla? Dahil sa pananalig sa Diyos, ganap na siyang lalaki at full-time pastor sa isang Christian church.
Isasama kita sa aking panalangin upang matamo mo ang hangad mong pagbabago.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended