Bubot na pag-ibig
June 17, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago po ang lahat ay gusto ko pong bumati ng magandang araw sa inyo at iba pa ninyong kasamahan sa PSN.
Ako po ay 15-taong gulang at nasa third year high school sa kasalukuyan.
Lumiham po ako sa inyo para humingi ng advice sa nararamdaman ko sa aking kaibigang lalaki. Hindi ko pa siya masyadong kilala pero mabait po siya sa akin at tinutulungan niya ako sa aking mga assignment.
Masayahin siya, magalang at palakaibigan. Madali po niyang nakasundo ang aking ina at kapatid at ito ang dahilan para makagaanan ko siya ng loob at nagkaroon ako sa kanya ng matinding "crush."
Lagi ko po siyang naiisip at kahit na nasa loob ako ng klase, siya pa rin ang laman ng aking isipan.
Maging ang aking mga kaibigan ay nakakahalata na sa aking damdamin para kay Cesar.
Ang tanging alam kong hindi ko katugma sa kanya ay mas matanda siya sa akin ng siyam na taon.
Minsan, sinabi ko sa kanya na tatawagin ko siyang kuya pero ikinagalit niya ito. Hindi ko na lang po pinansin ang ginawi niya.
Parang nakakahalata na rin po ako sa kanya na may gusto siya sa akin.
Hintay ko po ang payo ninyo.
Gumagalang,
Jackylyn
Dear Jackylyn,
Hindi naman sagabal ang edad sa seryosong pag-iibigan. Kaya lang, masyado ka pang bata para padala sa isang relasyon habang nag-aaral pa.
Atupagin mo muna ang pag-aaral mo para makarating ka sa kolehiyo.
Kung talagang may gusto sa iyo si Cesar, magtatapat iyon at hintayin mo na lang ang pagsasabi niya sa iyo ng kanyang damdamin. Pero huwag mo namang aksayahin ang panahon mo sa pag-iisip sa pagkapisa ng itlog nang wala pa sa tamang panahon.
Hindi naman talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng crush lalo na sa edad mo. Pero huwag kang masyado ring umasa dahil masakit mabigo kung wala naman palang katugong damdamin ang nararamdaman mo.
Kailangang ligawan ka muna ni Cesar para ganap mo siyang makilala.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am