^

Dr. Love

Ayaw sa lalaking umiiyak

-
Dear Dr. Love

Magandang araw po sa inyo. Ang problema ko po ay tungkol sa aking boyfriend.

Tawagin na lamang ninyo akong Tiger Lily, 16 years-old, at ang bf ko naman ay si Nap, 17 years-old.

Tatlong buwan na kaming mag-on ni Nap. Tutol ang aking mga barkada sa pakikipagmabutihan ko kay Nap dahil isa raw itong Mama’s boy.

Hindi ko naman siya ganap na masisi sa pagiging malapit sa kanyang ina dahil wala na siyang ama at silang mag-ina na lang ang magkasama sa malaki nilang bahay.

Nagsimulang makagulo sa aming relasyon ang kanyang pagiging Mama’s boy nang malimit na maudlot ang aming mga lakad dahil kailangan daw niyang umuwi nang maaga dahil walang kasama ang kanyang Mama.

Nanlamig na ako sa kanya at lalo pa akong nawalan ng gana sa kanya nang minsan ay makita ko siyang umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit pero ang feeling ko, mahina ang kanyang pagkalalaki.

Inusisa ko kung bakit pero ayaw niyang sabihin sa akin.

Kinalasan ko na siya. Umiyak uli siya.

Tama po ba ang ginawa ko? Payuhan po ninyo ako.

Gumagalang,

Tiger Lily


Dear Tiger Lily,


Hindi naman abnormal sa isang lalaki ang umiyak. Maaaring talagang masama ang kanyang loob at wala siyang ibang outlet para maihinga ang kanyang sama ng loob.

Malay mo namang pampamilya ang kanyang problema at dahil ika mo, tila may renda siya sa kanyang ina kaya ito ang malaki niyang suliranin.

Anyway, nasa iyo ang pagpapasiya kung talagang ayaw mo na sa kanya. Mas lalala pa ang problema kung tatagal pa ang inyong relasyon at higit ka pang makapagbibigay sa kanya ng suliranin kung hindi mo talaga siya mauunawaan.

Para hindi masyadong masakit sa kanya ang nangyari, bigyan mo naman siya ng pagkakataong makipagkaibigan sa iyo.

Sa ganitong paraan, maaaring matulungan mo siya sa kanyang sitwasyon.

Dr. Love

DEAR TIGER LILY

DR. LOVE

GUMAGALANG

INUSISA

KANYANG

KINALASAN

MAAARING

MAGANDANG

SIYA

TIGER LILY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with