^

Dr. Love

Nanlalamig na siya

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng inyong staff. Lagi po akong nagbabasa ng inyong column at humahanga po sa inyong mga payo at dahil marami na rin po kayong natutulungan.

Inilapit ko na po ang aking problema sa aking mga kaibigan ngunit nais ko rin pong humingi ngayon sa inyo ng payo. Ang suliranin ko po ay tungkol sa aking nobyo.

Ako po ay 22 years-old at una ko po itong pakikipagrelasyon. Hindi po naging madali sa akin ang magmahal sa hindi ko malamang dahilan. Siguro po ay dahil natatakot akong masaktan.

Mabait naman po ang aking nobyo at responsable. Kung tutuusin ay gusto po siya ng aking mga magulang at mga kaibigan ngunit umabot pa po sa isang taon ang lumipas bago ko siya natutunang mahalin.

Mahigit tatlong taon na po ang relasyon namin ngayon. Kaya lang po ay nararamdaman ko pong nagbabago na siya sa akin ngayon at yun po ang aking ipinagtataka. Nakipag-break po siya sa akin noon sa problema ko sa aking ate dahil hindi maganda ang ipinapakita nito sa kanya. Ako pa nga po ang naghabol sa kanya at gumawa ng paraan para magkabalikan kami.

Ang isinasama lang po ng aking loob ay hindi na niya ginagawa yung part at effort niya para ipakita na mahal niya ako. Ako na lamang po lagi ang nagdedemand sa kanya, mga bagay na noon ay siya ang gumagawa.

Hindi po kaya nagsasawa na siya? Tama po bang makipag-break ako sa kanya kahit na alam kong sa huli ay ako ang labis na masasaktan? Gusto ko lamang po kasing malaman niya na puwede rin akong mawala sa kanya.

Mahal na mahal ko po siya at alam kong napakalaking sakripisyo ito para sa akin.

Sana ay mapagpayuhan ninyo ako kung ano ang dapat kong gawin. Nahihirapan na po ako at ayoko ring magdesisyon nang padalus-dalos.

Nagpapasalamat,

Annie


Dear Annie,


Kung may duda kang hindi ka na mahal ng kasintahan mo, makipagliwanagan ka at huwag umasa sa body language. Marahil, natatakot kang gawin ito dahil baka masaktan ka sa kanyang sasabihin.

Maaari ngang masakit ito pero higit na mabuting wakasan na ang relasyon ninyo. Ang minsanang sakit ay mapaghihilom ng panahon pero ang sakit dulot ng malamig na pagtrato sa iyo’y pangmatagalan. Dr. Love

AKING

AKO

DEAR ANNIE

DR. LOVE

INILAPIT

KAYA

LAGI

MAAARI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with