Gustong maging kaibigan si Gareh ng Baguio City
May 6, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
A pleasant day to you. Napasulat po ako dahil gusto kong maging kaibigan at matulungan na rin si Gareh na sumulat sa inyo noong Marso 4, 2004.
Lagi po kasing bumibili ng PSN ang aking ama kaya nakahiligan ko na rin itong basahin. Napagtuunan ko ng pansin ang isang liham na puno ng kalungkutan at pagdaramdam. Ito nga ang sulat ni Gareh.
Dumaan din ako sa matinding pagsubok at ganito rin ang naramdaman ko noon. Kaya lamang ay napaglabanan ko itong mag-isa sa pamamagitan ng pagnenegosyo at pakikibahagi sa komunidad na aking ginagalawan.
Sa dami kasi ng aking gawain ay ngayon lamang ako nakaliham sa inyo.
Sana ay isa ako sa mga taong makakatulong kay Gareh. Salamat sa inyong pagpapaunlak.Umaasa,
Randy (0927-4309499)
Dear Randy,
Hinalungkat ko ang aming files at muli kong binasa ang sulat ni Gareh. Sa aking pagkakatanda, maraming PSN readers ang tumawag at nagtatanong sa kanyang address pero wala siyang inilakip na address sa envelope ng kanyang sulat.
Siguro ay sumulat siya para ibahagi ang kanyang karanasan sa pag-ibig. Siguro ay okey na siya ngayon.
Magkagayunman, sana ay mabasa ito ni Gareh at sana ay magkaroon kayo ng komunikasyon.
Salamat sa pagsulat mo sa aming pahayagan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended