Problema ng kaibigan, problema rin niya

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan at column. Sana po ay huwag kayong magsawa sa pagbabasa at pagbibigay ng mahahalagang payo sa mga may problema sa puso.

Tawagin na lamang ninyo akong Rebecca, 25 years-old. Ang problema ko po ay tungkol sa aking kaibigan na si Cristine Jean. Kaibigan ko rin ang boyfriend niyang si Eryl. Ang totoo, ako pa nga ang nagpakilala kay Cristine Jean kay Eryl.

Hanggang sa magkagustuhan sila at may nangyari sa kanila. Buntis ngayon si Cristine Jean. Ang problema, may iba pa palang girlfriend si Eryl at buntis din ito.

Nang malaman ito ni Cristene Jean, iyak siya nang iyak.

Dr. Love, ano po ba ang gagawin ko para matulungan ko ang kaibgan ko? Awang-awa na ako sa kanya. Inaasahan ko po ang inyong kasagutan.

More power and thank you. Rebecca ng Taytay, Rizal


Dear Rebecca,


Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Siyempre, nakokonsensiya ka rin dahil ikaw ang naging daan para magkakilala sina Cristine Jean at Eryl. Pero may sapat na silang pag-iisip para malaman na mali ang ginawa nilang premarital sex. It’s not your fault anymore.

Kumbinsihin mo ang kaibigan mo na ipagtapat na ang buong pangyayari sa kanyang mga magulang. Walang ibang makakatulong sa kanya, bukod sa iyo, kundi ang kanyang pamilya.

Siyempre, sa una ay magagalit sila pero kailangan niyang tanggapin ang anumang sasabihin nila dahil walang ibang may kasalanan sa nangyari kundi siya rin. Kung ayaw niya, sa palagay ko ay hindi siya magagawang mabuntis ng lalaking iyon.

Dr. Love

Show comments