Nanay ng bf ko, kontra sa akin
April 17, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libo ninyong tagahanga at mambabasa ng malaganap ninyong pahayagan. Sana po, huwag kayong manghinawa sa pagbabasa ng mga liham na humihingi ng inyong tulong. More power to you.
Ngayon po, ang problema ko. Sa kasalukuyan, hindi ko po alam kung dapat ko pang ipagpatuloy ang relasyon namin ng nobyo ko matapos kong malaman na tutol sa aming relasyon ang kanyang ina.
Nalaman ko po ito nang minsan ay isama ako ni Lando sa kanilang tahanan at hayagang tinalampak ako ng kanyang ina na hindi ako ang babaeng pangarap niyang maging kabiyak ng kanyang bunsong anak.
Nabigla po ako at nanlumo sa hindi niya inilihim na damdamin niya para sa akin gayong wala pa naman kaming balak ni Lando na magpakasal.
Sinabi ko po ito sa aking nobyo at hindi naman niya itinanggi na ganito nga ang damdamin para sa akin ng kanyang ina.
Pero hindi naman dahilan anya ito para magbago ang kanyang pag-ibig sa akin dahil hindi naman daw ang kanyang ina ang pakakasalan ko kundi siya.
Ang problema ko ay lumala nang mayroon akong dating kababata at kaklase na pumasok sa eksena at ang kanyang mga magulang pa ang siyang nagrereto sa akin sa kanya.
Dati kong crush si Jun pero sa hindi malamang pangyayari, hindi nagkaroon ng pagyabong ang aming pag-iibigan at nagkanya-kanya kami ng tinahak na landas.
Nito lang umuwi siya sa Pilipinas mula sa US muling nabuhay ang naudlot niyang panliligaw sa akin bagaman alam niyang mayroon na akong kasintahan.
Naguguluhan po ako. Ang mga parents ko, sinabi sa aking bahala na raw akong magdesisyon.
Sa tingin po kaya ninyo, may dahilan para umatras na ako kay Lando at kay Jun na lang ibaling uli ang atensiyon?
Hintay ko po ang inyong mahalagang payo. Betsie
Dear Betsie,
Nagsasalawahan ka ngayon sa pagdating ng dati mong crush at sa hindi magandang pakikitungo sa iyo ng ina ng boyfriend mo.
Sabagay, kahit pa nga sabihin na hindi naman nanay ni Lando ang pakakasalan mo, ang pagtutol ng isang magulang sa relasyon ng kanyang anak sa isang babae ay may negatibong epekto sa pagsasamahan.
Makabubuting ang puso mo ang tanungin mo. Talaga bang mahal mo si Lando o napagbalingan mo lang siya ng pansin nang hindi umusbong ang relasyon ninyo ng dati mong crush na kababata mo?
Ang pangyayaring bumabalik siya sa iyo at ipinupursige ngayon ang kanyang sinikil na damdamin noon ay isang tandang maaaring inuna muna niya ang kanyang karera at pagpapabuti ng kabuhayan bago harapin ang pag-ibig.
Hindi man sabihin, mas nakalalamang ngayon ang damdamin mo sa dating crush, hindi ba?
Nasa iyo ang desisyon. Pero kailangang tiyakin mo lang na hindi ka magsisisi pagdating ng araw.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am