Roses para kay Myra
April 1, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong masaganang pangungumusta sa inyo.
Sana po, hindi kayo magsawang magbasa at sumagot sa mga liham na ipinadadala sa inyong column dahil talaga namang malaki ang naitutulong ninyo sa maraming dumudulog sa inyo tulad ko para humingi ng inyong mahalagang payo.
Ang problema ko po ay tungkol sa babaeng mahal na mahal ko at matagal ko nang crush pero kahit patuloy ang panliligaw ko sa kanya, lagi niya akong binabasted.
Ang pinakahuli ay ang pagsosoli niya sa akin ng ipinadala kong mga rosas noong nakaraang Valentines Day.
Sa tingin po ninyo, dapat na akong sumuko ng panliligaw kay Myra at ibaling ko na lang sa iba ang aking atensiyon?
Matagal ko nang binalak na kalimutan siya pero talagang hindi ko magawa dahil talagang mahal ko siya.
Pero tila wala akong puwang sa puso niya.
Wala naman siyang boyfriend sa kasalukuyan. Sa tingin ninyo, puwede ko pang hilingin sa kanya na kahit hindi niya ako matanggap bilang boyfriend, kahit kaibigan na lang ay tanggapin niya ako?
Hanggang dito na lang po at more power to you. Eddie
Dear Eddie,
Malugod naming tinatanggap ang iyong pagbati at sana huwag kang magsawang tumangkilik sa aming pahayagan at sa column na ito.
Kung hindi ka man magtagumpay sa panliligaw sa babaeng minamahal mo, huwag sanang ikasama ito ng loob mo dahil maaaring talagang tinatapat ka lang ni Myra.
Siguro, kaya ipinasoli niya ang mga bulaklak na ipinadala mo ay para huwag ka nang patuloy na umasa.
Marahil naman, hindi niya ipagkakait sa iyo ang hangad mong makipagkaibigan sa kanya kahit hindi ka niya matanggap bilang kasintahan.
Manligaw ka na lang sa iba para hindi masayang ang panahon mo sa panliligaw sa isang babaeng tapat na nagsasabing hindi ikaw ang tipo niya.
Good luck sa iyo at sana ay makatagpo ka ng ibang babaeng makikita at pahahalagahan ang alok mong pagmamahal.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended