^

Dr. Love

May asawa ang tipong lalaki

-
Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako para humingi ng payo kasi po ay naguguluhan ako sa ngayon.

Ako po ay may boyfriend sa ngayon. Dalawa po sila na parehong taga-Maynila. Yung una po ay nakilala ko noong high school pa ako. Hindi pa naman kami nagbi-break.

Yung isa naman ay nakilala ko noong ako ay nasa college na. Hindi pa rin po kami nagbi-break. Pero wala na akong communication sa kanilang dalawa at wala na rin akong balita sa kanila.

Sa ngayon po ay may nanliligaw sa akin dito sa pinapasukan ko. Kasamahan ko siya. Pero may asawa na siya. Sa totoo lang ay gusto ko siya dahil nasa kanya ang lahat ng mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki. Dalawang buwan na po siyang nanliligaw sa akin at sinasabi ko naman sa kanya na hindi puwede dahil may asawa na siya.

Pero ang sabi niya ay hindi niya mahal ang kanyang asawa at ako raw po ang mahal niya. Mas matanda sa kanya ng limang taon ang asawa niya samantalang kami ay magkaedad.

May nanliligaw din sa akin na binata pero hindi ko siya gusto. Sana po ay pagpayuhan ninyo ako dahil gulung-gulo ang isip ko.

Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham ko at more power sa inyong column. Baby


Dear Baby,


Sabi mo, nasa kanya ang mga katangian ng lalaking gusto mo. Ibig mo bang sabihin, ang tipo mong lalaki ay yung may asawa na?

Mali iyan. Sa batas ng tao at Diyos, iyan ay isang malaking kasalanan. May pamilyang masisira, may pusong mawawasak. Gusto mo bang mangyari iyan sa iyo?

Sabi ng golden rule, huwag gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DALAWA

DALAWANG

DEAR BABY

DIYOS

DR. LOVE

IBIG

PERO

SABI

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with