Kahit ka ganyan
February 28, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan at ng inyong column. Sana po, huwag kayong magsawa sa pagbasa at pagbibigay ng mahalagang payo sa mga may problema sa puso.
Tawagin na lang po ninyo ako sa bansag na White Lily. Ito kasi ang taguri sa akin ng aking dating boyfriend na ngayon ay bumabalik sa akin pero parang ayaw ko nang tanggapin.
Nagkahiwalay kami dahil sa hindi boto sa kanya ang aking pamilya dahil daw sa "incompatible kami."
Iba ang kanyang relihiyon, hindi siya nakatapos sa kolehiyo (pero nagsisikap na makapag-aral uli) at may problema siyang pampamilya. Hiwalay kasi ang kanyang ama at ina at mayroon na silang kanya-kanyang ibang pamilya.
Hindi ko sana gustong kalasan ang bf ko dahil gusto ko sana siyang matulungan. Pero masyado siyang sensitibo dala nga ng kanyang problemang pampamilya.
Ang sabi ng aking ama at ina, walang hinaharap ang aming relasyon dahil walang katiyakan kung pakakasalan niya ako o maghihintay ako ng matagal na panahon para malampasan ang mga bumabagabag sa kanyang isip.
Hindi naman ako puwedeng makipag-live-in lang.
Kaya nang magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, sinamantala ko na ang pakikipagkalas sa kanya.
Minsan, nagkita kami at gusto niyang magkabalikan kami. Pero kahit mahal ko siya, parang ayaw ko nang magkaroon pa kami ng unawaan gaya nang dati.
Paano ko po ito sasabihin sa kanya? Hindi ko rin naman gustong tuluyan na siyang mawalan ng pag-asa sa buhay.
Inaasahan ko po ang inyong kasagutan. White Lily
Dear White Lily,
Kahit pa nga sabihing walang kinikilalang antas ng pamumuhay at lahi ang pag-ibig, hindi naman ibig sabihing dapat na isantabi ang pagiging praktikal sa buhay ng isang binata o dalaga sa pagpili ng kanilang kakasamahin sa buhay.
Kung sa palagay mo ay hindi ka liligaya sa dati mong bf, tapatin mo siya. Hindi maganda na paaasahin mo pa siyang may mababalikang nobya kung gayundin lang na alam mong wala namang tinatanaw na kinabukasan ang inyong relasyon.
Kung naaawa ka sa kanya at ayaw mo siyang masaktan, sulatan mo na lang siya kaysa makipagkita pa sa kanya.
Gawin mo lang diplomatiko ang pagbibitaw ng pahayag.
Maaaring may matwid ang pamilya mo kung bakit hindi sila pabor sa relasyon mo sa dati mong bf.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended