Problema ni Tweety
February 14, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa mga sumusubaybay ng inyong column. Madalas pong bumili ng inyong pahayagan ang Papa ko. Natutuwa po akong magbasa nito dahil marami kayong napapasaya at natutulungan na may mga problema sa puso.
This is my first letter to you. Nahihiya man po akong sumulat ay naglakas-loob na ako para humingi ng advice.
Just call me Tweety. My problem is about my boyfriend. Naging boyfriend ko siya noong July 2001 pero after a month, nawala po siya na parang bula. Walang paalam, no call, no text.
I decided na puntahan siya sa bahay nila kasi malapit na ang birthday ko noon. Ang sabi ng lola niya ay nasa Laguna na raw ito, doon na mag-aaral at titira. Imbes na magalit, inunawa ko siya. Kung saan siya masaya, masaya na rin ako.
After 8 months, bumalik siya. Nagulat ako dahil I didnt expect na babalik pa siya. I admit na mahal ko pa rin siya kaya nagkabalikan kami.
Pero ngayon ay break na talaga kami at ito ay dahil sa pera. Gusto niyang manghiram sa akin ng malaking halaga pero hindi ko siya pinahiram on the advice of my best friend. I asked him kung mahal niya ako pero di siya sumagot. Sa letter na lang daw. I was hurt. Galit po siya sa akin. Hindi kami nagkahiwalay nang maayos.
Please help me. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Paano ko siya malilimutan? Tweety
Dear Tweety,
Bakit ipinipilit mo ang sarili mo sa isang lalaking nagtatakwil sa iyo? Magkaroon ka naman ng puwang para mahalin nang kaunti ang sarili mo.
Hindi maganda na ang babaey nangangayupapa sa lalaki. Limutin mo siya at may iba pang lalaking higit na karapat-dapat sa iyo na darating sa tamang panahon.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended