Sana may crush din siya sa akin
January 27, 2004 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong maligaya at mapayapang araw sa inyo at mga kasamahan ninyo sa PSN.
First time ko pong sumulat sa malaganap ninyong pitak at sana, mabigyan ninyo ng payo ang problema ko sa puso.
Tawagin na lang po ninyo akong Angel, 17, taong-tulang at ang malaki kong problema ay ang aking crush sa nakalipas na dalawang taon.
Tawagin na lang natin siyang Jake. Nasa high school pa lang ako at siya ay first year college na nang magkaroon ako ng matinding crush sa kanya.
Iisa lang ang pinapasukan naming paaralang dalawa pero nasa secondary school pa nga lang ako.
Nang magtapos na ako sa mataas na paaralan, dito rin sa paaralang ito ako pumasok kaya schoolmates na naman kami.
Malimit akong tumambay sa lugar na dinaraanan niya at palagi namang tamang-tamang nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya.
Ngumingiti naman siya sa akin at binabati ng "hi." Ang sabi ng aking mga friends, baka mayroon din siyang crush sa akin.
Isang kaibigan ko na kakilala rin niya ang nagsabi na interesado si
Jake na magkakilala kami nang husto.
Minsan, inabangan niya ako sa paglabas ko ng paaralan at nag-usap kami. Nagsabing gusto niya akong ihatid sa bahay pero tumanggi ako.
Mayroong mga party sa paaralan na nagkikita kami at nagsasayaw. Hanggang biglang nawala na lang siya. Balita ko, lumipat na ang pamilya niya sa Maynila.
Lungkot na lungkot ako at miss na miss ko na siya.
Gusto ko po siyang sulatan kung malalaman ko ang kanyang address. Gusto ko lang naman siyang kamustahin. Ayaw kong mawala ang aming komunikasyon.
Ano po sa tingin ninyo, puwede bang ako ang mag-umpisa ng pagsulat sa kanya?
Gumagalang,
Angel
Dear Angel,
Wala namang masama o labag sa kabutihang asal kung sumulat ka sa crush mo para kamustahin.
Sa pamamagitan ng inyong mga kaibigan na mayroon siyang komunikasyon, puwede mong ipaabot ang pangungumusta mo sa kanya at kung talagang interesado siya sa iyo, siya ang gagawa ng unang hakbang.
Mahirap umasang may katugma siyang damdamin para sa iyo dahil noong panahong iisa lang ang pinapasukan ninyong paaralan, hindi niya nagawang sabihin sa iyo kung mayroon siyang ibang pagtingin.
Pero kung nahihiya naman siya na magsabi kaagad ng kanyang damdamin, kung magkakasulatan kayo, baka matupad na ang inaasinta mo.
Good luck at sana, huwag kang manghinawang sumulat sa pitak na ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended