^

Dr. Love

Mahirap maging kabit

-
Dear Dr. Love,

Advance Merry Christmas and Happy New Year to you. Isa po ako sa libu-libo ninyong tagahanga. Taga-Visayas po ako at nandito sa Maynila para magtrabaho at lumimot sa isang madilim na lumipas.

Single parent po ako. Hiniwalayan ko ang lalaking pinakasalan ko dahil naging kalbaryo ang buhay ko sa kanya sa loob ng apat na taon. Hindi kami nagkaanak agad at nakabuntis ng ibang babae ang mister ko na gusto niyang dalhin sa aming tahanan.

Nilayasan ko siya dahil pinagmalupitan niya ako nang tumanggi akong tanggapin sa aming bahay ang kanyang buntis na kabit. Pero hindi ko akalain na sasapitin ko rin ang buhay ng isang kabit nang magkamali akong pumatol sa isang may asawa nang hiwalayan ko ang aking mister.

Alam kong may asawa si Dodong pero hindi ko siya natanggihan dahil marahil sa pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya lalo na nang magkasakit ako at wala ni isa mang tumulong sa akin.

Nagsama kami ni Dodong pero nalaman ito ng asawa niya, ginulo niya kami at dahil sa hiya lalo na nang manganak ako, napilitan akong makipaghiwalay sa kanya at naghanap ng trabaho dito sa Maynila.

Iniwanan ko ang anak namin ni Dodong sa aking mga magulang at namasukan bilang katulong para may maipakain sa aking anak. Pero ayaw akong tantanan ng kanyang asawa kaya naisipan kong mag-abroad para maputol na ang relasyon namin ni Dodong dahil mahirap ang maging kabit. Para akong magnanakaw na tago nang tago.

Ano po ang dapat kong gawin? Binabantaan ako ni Dodong na kukunin ang aking anak sa sandaling umalis ko nang walang pahintulot sa kanya. Minda


Dear Minda,


Una, hangad ko ang kaligayahan mo sa panahong ito ng Pasko at Bagong Taon.

Huwag kang padaig sa takot at ipagpatuloy na makipagkalas ng relasyon sa ama ng iyong anak dahil pareho kayong may asawa. Dapat mong malaman na maaari kayong idemanda ng kanyang asawa at gayundin ng hiniwalayan mong asawa kung ipagpapatuloy ninyo ang pagsasama.

Tinatakot ka lang niya dahil likas siyang mahilig sa babae kapalit ng kaunting tulong na naibibigay niya.

Ipagpatuloy mo ang pagsisikap na mag-abroad para sa katahimikan ng lahat. Huwag kang matakot sa banta ng boyfriend mo. Isuplong mo siya kapag ginawa niya ito.

Huwag mong kaligtaang manalangin para tumibay ang kalooban mo.

Dr. Love

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

AKO

ASAWA

BAGONG TAON

DAHIL

DEAR MINDA

DODONG

DR. LOVE

HUWAG

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with