Problema ni Chel
December 13, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hi! Kumusta na po kayo at ang buong staff ng PSN? Sumulat po ako dahil gusto kong i-share ang problema ko para kahit papaano ay mabawasan ang sama ng loob ko. Tanging kayo lang ang makakatulong sa akin.
Im 21 years old. Ang problema ko ay ang boyfriend ko. Ewan ko ba kung matatawag kong bf dahil bihira lang ang aming communications. Sinabi ko sa kanya na first bf ko siya. Nakaka-miss ang mga alaala namin, masaya at magkasundo sa lahat ng bagay. Parati kaming nag-uusap at parati rin niyang binabanggit na masuwerte ang mapapangasawa ko at likas na mahiyain at mabait daw ako. Maluwag ako sa relasyon namin. Kung saan siya masaya ay doon din ako dahil ganoon ko siya kamahal. Hindi rin niya alam na ipinaglalaban ko siya dito sa lugar amin dahil sa kapansanan niya. Pero hindi ko akalain na magbabago siya. Iba na ang pinagkakaabalahan niya. Nakita siya ng aking kapatid na may tinatawagan sa pay phone. Ang sabi niya ay kaibigan lang. Pero dalawang beses ko siyang nakita at nagpasya ako na mag-break na kami. Dr. Love, labis ang pangungulila ko. Hindi rin ako makatulog nang maayos. Sana ay hindi na ako napunta sa ganitong sitwasyon na lolokohin lang ako. Ang tanging hangad ko lang ay matibay na relasyon.
Thanks
Chel
Dear Chel,
Kung nagdesisyon kang makipag-break, panindigan mo.
Im sure may matibay kang dahilan kung bakit ginawa mo iyan.
Nangungulila ka dahil may feelings ka pa sa kanya. Pero dapat kang maging praktikal.
Kung magkakatuluyan kayo, baka lalo ka lang lumuha.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended