Takipsilim
November 4, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libo ninyong tagahanga. At sa edad kong malapit nang magtakip-silim, maaaring masabi ninyong hindi ko na kailangan pang humingi ng payo para maibsan ang dinadala kong agam-agam sa dibdib.
Hindi po pag-ibig sa isang lalaki ang idinudulog kong problema kundi pag-ibig sa aking mga anak na ngayon ay pawang may sarili nang pamilya.
Nagsosolo na lang ako sa buhay matapos mamatay ang aking asawa sa edad na 54. Halos 8 taon na yaon. Pero hindi ko magawang umalis sa aming bahay para pumisan na sa bahay ng tatlo kong mga anak. Sanay akong may sariling disposisyon sa arawang aktibidad ko.
May naiwan namang kaunting kabuhayan ang aking yumaong kabiyak kaya hindi ko masyadong iniintindi ang problemang pampananalapi. Ang hinahanap ko nga lang ay ang malimit na pagbisita sa akin ng aking mga anak kung holiday at sa mga espesyal na okasyon na dapat ipagdiwang.
Pero talagang tila kung may edad na nga ang isang tao, ipinagwawalang-bahala na lang ang kanyang mga suhestiyon.
Alam kong may sarili nang buhay ang mga anak ko. Kaya hindi puwede akong maghanap ng todo-todo. Paminsan-minsan naman nila akong nadadalaw.
Kung minsan, naiisip kong mag-ampon na lang para may makasama kami ng aking katulong sa bahay.
May pagkakataon pa ba akong gumawa ng ganitong hakbang nang hindi magkakaroon ng problema?
Hintay ko po ang inyong payo sa akin.
Aling Mercedes
Dear Aling Mercedes,
Nakalulugod na hindi lang pala mga kabataang may problema sa puso ang naaabot ng serbisyo ng aming pitak na ito kundi maging ang mga senior citizens.
Salamat po sa pagtangkilik ninyo sa aming pahayagan.
Talagang kapag nagkaka-edad na ang isang tao, nagiging maramdamin na. Sa panig ninyo, may hinanakit kayo sa mga anak na sa pakiwari ninyo ay nagpapabaya na sa inyo.
Sana po, maunawaan din ninyo sila dahil dumaan din naman kayo sa ganyang sitwasyon noong kabataan ninyo.
Aktibo ang inyong mga anak sa pagpapatatag ng kabuhayan at pagpapalaki ng mga anak. Hindi kaya kung kayo ang mayroong sapat na panahon, mag-ukol din naman kayo ng oras sa paminsan-minsang pagbisita sa kanilang bahay?
Baka kung gumawa na kayo ng ganyang hakbang magkaroon din sila ng pag-iisip na manaka-naka na nga lang ang pagbisita nila sa inyo.
Kung balak ninyong mag-ampon, kailangan din ninyong sangguniin ang mga anak para makaiwas sa mga posibleng problema.
Muli, salamat po sa pagtangkilik ninyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended