Hindi kami compatible
October 25, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong maligayang araw sa inyo at sa iba pang kasamahan ninyo sa PSN.
Itago mo na lang po ako sa pangalang Erwin. Ako poy 23-taong gulang, mayroong trabaho at tapos ng kursong komunikasyon.
Ang problema ko po ngayon ay ang dati kong nobya na may isang taon ko nang kinalasan ng relasyon dahil hindi kami compatible sa maraming bagay.
High shool pa lang noong kami ay naging magnobya ni Sarah pero nang magtagal na ang aming relasyon, parang napansin kong hindi na kami nagkakatugma sa maraming bagay.
Maganda si Sarah at malambing. Mabait din siya kung kayat marami sa aming mga kaibigan ang nagtataka kung bakit nagbago pa ang ihip ng hangin sa aming dalawa.
Hanggang ngayon ay wala pang nobyo si Sarah at dinamdam niya nang labis ang pakikipagkalas ko sa kanya. Alam kong ako ang sinisisi niya at ng aming mga kaibigan sa nangyari sa amin.
Ang hindi ko masabi sa kanila, marami kaming hindi pinagkakasunduan ni Sarah at kabilang na dito ang kawalang kakayahan niyang makaagapay sa pagtalakay sa makabuluhang mga isyu na siyang pangunahin kong linya sa trabaho.
Hindi ko na nais pang sabihin ito sa mga kaibigan naming naghihinampo sa akin sa nangyari sa amin ni Sarah. Ako na ang kusang umaamin na ako ang may diperensiya.
Gusto nilang magkabalikan kami ni Sarah at sila ang gumagawa ng paraan para manumbalik ang aming unawaan.
Para sa akin, nanghihinayang din ako sa matagal naming relasyon, pero ayaw ko nang matali uli sa kanya. Ano po ba ang dapat kong gawin?
Hindi ko gustong hiyain ang aming mga kaibigan lalo na si Sarah dahil sa kakulangan niyang ito.
Hintayin ko po ang inyong mahalagang payo.
Erwin
Dear Erwin,
Talagang mahirap ang sitwasyong kinakaharap mo kung dadaanin mo lang sa awa ang pagpapasya kung babalikan mo pa o hindi ang dating nobya.
Kung ano ang nakikita mong higit na makabubuti sa sarili mong pag-asenso sa trabaho at sa kapayapaan na rin ng damdamin mo, huwag mo nang piliting pagbigyan pa ang gusto ng inyong mga kaibigan para sa inyo.
Kung ayaw mong sabihin ang talagang dahilan mo sa pagkalas kay Sarah, hayaan mo nang ikaw ang kanilang sisihin. Sa dakong huli, malalaman din nila ang totoo.
Kung hindi talaga kayo compatible sa isat isa, makabubuting hanggang maaga ay maputol na ang inyong relasyon.
Isa sa mga kaibigan mo marahil na iyong mapagtitiwalaan ang puwede mong pagsabihan ng tunay na problema. Pero kailangang huwag na niyang paabutin pa ito sa kinauukulan para makaiwas sa ibayo pang pagsakit ng damdamin ni Sarah.
Humingi ka rin ng pasensiya kay Sarah sa pagkakasira ninyo kung hindi mo pa ito nagagawa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am