Isang pumpong bulaklak
October 2, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Hello. Sana po ay nasa mabuti kayong kalusugan at mood sa pagtanggap ng liham na ito.
Minabuti ko pong sumulat sa inyo para maihinga ko ang aking sama ng loob sa isang kaibigan na wala nang hinangad kundi ang makita akong malungkot at mas nakakaungos siya kaysa sa akin.
Hindi po sa pagbubuhat ng bangko, mas maganda naman ako sa tinutukoy kong kaibigan na kasama ko pa sa boarding house.
Si Mina ang siyang unang nakipagkaibigan sa akin nang bago pa lang ako sa boarding house na malapit sa unibersidad na pinapasukan ko dito sa Maynila.
Hindi ko naman akalain na paimbabaw lang pala ang pakikipagkaibigan niya dahil lahat ng mayroong crush sa akin ay kanyang inaagaw.
Mayroon akong kababayan na matagal nang nanliligaw sa akin. Malimit na pinupuntahan niya ako sa aming boarding house para mangumusta at magpaabot ng pasabi mula sa aking pamilya.
Minsan, mayroon siyang iniwang pumpon ng mga rosas at si Mina ang siyang pinakiusapan niya na magbigay sa akin dahil hindi pa ako dumarating mula sa paaralan.
Hindi na siya naghintay pero ang hindi ko alam, mayroon na siyang ibang mga naikuwento kay Alex na nakapagpabago ng kanyang pagkilala sa akin.
Hindi nakarating ang mga rosas sa akin pero nakita ko ito sa mesa ni Mina.
Hindi na ako kumibo nang hindi ko madatnan si Alex dahil naantala lang ako ng dating.
Nagkita kami ni Alex sa paaralan at itinanong kung sinabi sa akin ni Mina ang pasabi niya sa akin. Wala kako.
Tinanong ko si Mina kung bakit iba ang sinabi niya kay Alex kung bakit ako naantala. Dito nagsimula ang aming tampuhan hanggang sa lagi na niya akong tinitirya.
Minabuti ko nang lumipat sa ibang boarding house, pero hindi pa rin siya tumitigil ng paninira.
Ano po ba ang mabuti kong gawin sa ganitong babae?
Ang isang nanliligaw sa akin ay boyfriend na niya ngayon.
Sincerely,
Alexie
Dear Alexie,
Mabuti ang ginawa mong paglipat ng tirahan.
Huwag mo nang pag-aksayahan pa ng panahong makibalita tungkol kay Mina kahit pa nga nakuha niyang agawin sa iyo ang isa mong manliligaw.
Siguro naman, hindi mo ito type na masyado kaya walang panghihinayang kung bakit nawala siya sa iyo.
Matuto kang mamili ng kaibigang pagtatapatan mo ng mga sikreto dahil hindi lahat ng nakikipagkaibigan ay maganda ang hangarin para sa iyo.
Hangad ng pitak na ito ang iyong kaligayahan at sana mas maraming pumpon ng mga bulaklak ang matanggap mo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended