2-taong batang babae, iniligtas ni Hesus dahil sa panalangin
September 29, 2003 | 12:00am
May dalawang linggo na ang nakaraan nang dalhin namin sa Tondo Hospital ang aking nanay dahil umtake na naman ang kanyang sakit na diabetes. Nang naroroon na kami sa ospital, ang sumasalubong sa aking paningin ay ang dalawang taong-gulang na batang babae na naka-dextrose. Wala itong malay habang nasa stretcher. Nakita ko ang kanyang nanay na palakad-lakad at malungkot ang mukha.
Para bang hindi siya mapakali. Sa sulok naman ay naroroon ang tatay na walang humpay sa pag-iyak.
Inudyukan ako ng Banal na Espiritu na lapitan ko ang mga magulang ng bata at hindi ako nag-alinlangan. Una kong nilapitan ang nanay nung bata. Nalaman ko na ang kanilang anak ay nagkukumbulsiyon. Paulit-ulit raw ang sakit ng batang ito at sa oras na ito ay malala na ang kanyang kalagayan.
Ayon pa sa doktor na tumitingin sa bata, kapag hindi pa siya nagising ay malamang na matuloy sa meningitis ang sakit ng bata at ito ang ikamamatay ng bata.
Inalok ko silang ipanalangin ang kanilang anak. Noong una ay ayaw pa nila dahil madalas daw nilang ipinapanalangin ang kanilang anak. Ang sabi ko naman sa kanila, mas maganda kung madaragdagan ang panalangin para sa kanilang anak lalo sa oras na ito na malubha ang kalagayan ng bata.
Pumayag sila at agad kong ipinalangin ang kanilang anak. Pagkatapos kong manalangin, nilapitan ko ang bata. Tapos ay ipinasok na ito sa kuwarto at hindi na kami nagkita pa.
Pagkaraan ng isang linggo, bumalik ako sa naturang ospital para ipa-checkup muli ang aking nanay.
Nakita kong muli ang mga magulang ng bata. Kinumusta ko ang bata. Nasa tabi pala niya ito at sinabi niya sa bata na ako ang nanalangin para siya ay pagalingin ng Panginoong Hesus.
Masigla na ang bata at parang hindi galing sa malubhang sakit.
Tuwang-tuwa ako sa ginawa ng Panginoong Hesus na pagliligtas sa bata.
Purihin, pasalamatan at sambahin ang Panginoong Hesus dahil Siya lamang ang maaaring makatulong sa atin. - Matilde Malabon, Metro Manila
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5971/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3863; Q.C., 724-0676; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended