^

Dr. Love

Floozy Angel

-
Dear Dr. Love,

A pleasant day to you! I am an avid of your column noong nandiyan pa ako sa Pilipinas.

Tawagin niyo nalang akong Floozy Angel, 16 years old. Diyan na po ako nagkaisip at nagmahal sa Pilipinas. Umuwi ako ng Philippines when I was in first year high school. Incoming third year high school ako sa isang sikat na high school sa Quezon City when I met Mr. Aquarius from Catanduanes. He was an incoming 4th year high school student then.

Nagbakasyon lang siya sa kapitbahay namin. Noong una, isnaban lang kami pero natutunan naming magustuhan ang isa’t isa noong nanligaw na siya sa akin. Ayoko siyang sagutin kasi bata pa ako.

Nalaman ko na lang na babalik na pala siya ng Catanduanes kaya ko siya sinagot. Natatakot kasi ako na baka mawala pa siya sa akin. May kakaiba akong feelings noong kinausap ko na siya. Three weeks after that, umuwi na siya. Bago siya umuwi may ginawa kami na hindi namin makakalimutan.

Maganda ang communication namin noong two months pa lang siya wala. Magti-three months na sana kami kaso nakipaghiwalay ako. Feeling ko kasi napipilitan lang siyang kausapin ako. Tinitext niya lang ako kapag wala siyang ginagawa. Feeling ko ginagawa niya lang akong pampalipas-oras.

Matalino kasi siya and he was running for valedictorian. Hindi ko makayanan ang lagay namin kaya I decided to stay abroad. Dito sa California ko itinutuloy ang studies ko as a grade 9 student.

Tama po ba ang ginawa ko? Sa tingin n’yo po kaya ay magkakabalikan pa kami someday? Ayaw niya kasing pumayag na makipaghiwalay sa akin. Ano pong gagawin ko?

Salamat po and more power.

Sincerely,

Floozy Angel


Dear Floozy Angel,


It’s an awesome feeling to be young and "in-love". Most often, hindi naman pala true love ang nararanasan ng isang bagets na gaya mo kundi infatuation lang pala.

Nasabi mo iyong isang bagay na nagawa ninyo na hindi ninyo makakalimutan. Whatever it is, ituring mo na lang na bahagi ng iyong karanasan bilang isang kabataan. Put it behind you at huwag mong ligaligin ang iyong isip lalo pa’t naririyan ka na sa California at nag-aaral.

I hope that your experience with him has given you a scholar’s gain. Focus on your studies and you can look forward to a good future.

God bless you.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

CATANDUANES

DEAR FLOOZY ANGEL

DR. LOVE

FLOOZY ANGEL

LANG

MR. AQUARIUS

PILIPINAS

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with