Ayaw ko nang lumuha
August 5, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong mapagpalang araw sa inyo at sa iba pa ninyong kasamahan sa pasulatan. Isa po akong masugid na mambabasa ng inyong pahayagan at ng inyong column at sana ay huwag ninyong pagsawaan ang pagdulog naming mga may probema sa inyo. Sana ay higit pang magtagumpay ang inyong pahayagan at ang pitak ninyo.
Ako po ay isang bigo sa pag-ibig, hindi lang minsan kundi tatlong ulit pa. Kung kayat sa ngayon, umiiwas na akong umibig na muli.
Ayaw ko nang lumuha. Hindi na baleng maging matandang dalaga ako, kaysa naman umibig akong muli at masaktan.
Normal lang po ba ito sa isang tulad ko na dumanas ng pagkasiphayo?
Hindi ko po makapa ang aking sarili sa ngayon. Ito po kaya ay may pag-asa pang malunasan?
Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa liham na ito at muli, more power to you.
Myra
Dear Myra,
Salamat sa liham mo. Nauunawaan ko ang damdamin mo sa kasalukuyan. Pero hindi mo dapat na ipangamba na mananatili kang takot na umibig uli sa sandaling makilala mo ang isang lalaking magiging tapat sa iyo at nagtataglay ng mga katangiang hanap mo.
Huwag mong pilitin ang sariling mamuhi sa kalalakihan. Kung mayroon ka mang masamang karanasan, iyan ay isa lang mukha ng buhay at hindi sapat na basehan para talikdan na ang pag-ibig.
Sa ngayon, huwag mong kalimutan ang pagdarasal na sana, matagpuan mo na ang isang taong magpapahalaga sa iyo at sa sumpang iibigin ka.
Mas mabuti ngang sa ngayon, huwag ka na munang makipagrelasyon dahil baka naman sa bilis ng pagpapalit ng nobyo ay hindi mo na mapili ang talagang tapat na lalaki.
Hindi kaya iyan ang naging dahilan kaya lagi ka kamong sawi? Magsaya ka, maglibang. Socialize at makikita mo, matatanggap mo rin ang nangyari sa iyong kasawian at matatanggap mong bahagi lang ito ng buhay.
Salamat sa pagtangkilik mo sa aming pahayagan at sa pitak na ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended