Limutin ang kahapon
July 29, 2003 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang ninyo akong Libra Gil ng Valenzuela City. Isa po ako sa inyong masugid na tagahanga at sumulat ako para humingi ng payo.
Ako po ay 21-anyos at may ka-live in. May isa kaming anak na babae. Nagulo ang isip at puso ko nang bumalik ang aking kasintahan dito sa lugar namin. Umuwi kasi siya ng Southern Leyte para makita ang kanyang ina. Ako naman noon ay 4th year high school. Gusto niya akong isama pero hindi ako pumayag dahil bata pa ako.
Mahal na mahal ko siya. Sa katunayan ay siya ang first love ko. Nagsusulatan pa kami noon pero ibinalita sa akin ng pinsan niya na may asawa na siya. Agad naman akong naniwala at hindi ko na siya sinulatan.
Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik siya at doon ko nalaman na hindi totoo ang balita sa kanya. Pero huli na dahil nag-asawa na ako. Ilang beses niya akong gustong kausapin pero iniiwasan ko siya.
Nararamdaman kong mahal pa rin namin ang isat isa pero natatakot kaming pareho sa gulo na maaaring idulot nito. Sa ngayon ay may asawa na rin siya pero ang sabi niya ay hindi niya ito mahal dahil pinikot lang siya nito.
Ako naman ay inis sa asawa ko dahil iresponsable ito at hindi nagtatrabaho.
Sana ay mapayuhan ninyo ako.
Sumasainyo,
Libra Girl ng Valenzuela City
Dear Libra Girl ng Valenzuela City,
Hindi ka man kasal sa lalaking kinakasama mo ngayon, mayroon na kayong supling na dapat itaguyod.
Bakit hindi mo na lang ilibing sa limot ang nakaraan ninyo ng iyong nobyo? Hindi na kayo magkakabalikan pa dahil pareho na kayong may responsibilidad kaya huwag ka nang umasa pa. Maliban na lamang kung sa pagdaan ng mga panahon ay may maganap at kayo pa rin ang magkatuluyan. Pag-ukulan mo na lang ng pansin ang iyong pamilya at payabungin ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended